Kinabukasan ay pumasok ako para mag pass ng articles at gawin yung articles na di pa namin nagagawa.
Di na regular ang class, pero may mga students pa rin na gumagawa ng requirements nila at yung pumapasok lang para pumorma. Practice din ng mga students na makikipag contests ng iba't ibang activities sa Christmas ball. Hindi naman yon lahat ng students sa block pero yung mga gustong sumali ay pwedeng magparticipate.
9am na nong mag ayos ako papuntang school. Dala dala ko iyong laptop ko at speaker na hindi ko alam kung paano ko bubuhatin papunta sa classroom namin dahil ako lang nanaman ang late pumasok kaya ako ang pinadala ng speaker.
Pagkadating ko sa gate ay saktong itetext ko sana si Iza na samahan akong magbuhat ng speaker kaso ay sakto namang dating ni Basti sa gate
Naka ripped jeans siya, T-shirt at rubber shoes. Dala niya rin ang guitar niya. Siguro ay sasali ang block nila sa Christmas carol. Tinaas niya ang cap niya at sakto namang napatingin siya sa pwesto ko habang nag kunwari naman ako na nagpho phone para di niya ako lapitan.
"bakit andito ka pa rin sa guard house? Naiwan mo ID mo?" Narinig kong sabi niya kaso ewan ko kung sino kausap niya.
"Laureign" napatingin naman ako sakanya
"naiwan mo id mo kako, bat andito ka pa rin sa guard house?" tanong niya
Aba malay ko ba na ako ang kausap niya eh madami namang estudyante ang nakatambay sa guardhouse. Ang pwesto ko pa ay sa pinakagilid.
"Hinihintay ko lang si Iza" sagot ko naman sakanya.
"bat di mo nalang antayin sa room niyo? ang init dito"
"Di ko nga mabubuhat mga ito" sagot ko naman.
Kinuha niya yung speaker ko ang siya na ang nagbuhat papunta sa classroom namin. Panigurado ay issue nanaman ito kapag nakita ng mga kaklase namin. Hays wag naman sana.
Sana lang ay walang tao sa room namin ngayon.
Pinauna ko siyang maglakad nakakahiya kasi pag nakita kami ng ibang tao na magkasama. Feeling ko ay masama tingin nila.
"Ang bagal mo namang maglakad" sabi niya at hinihintay akong maglakad kasya naman ay ang bagal bagal naming maglakad, buti nalamg talaga at kakaunti lang ang tao sa mga hallways ngayon. Bush sila sa kaniya kaniyang practice.
"alam mo naman classroom namin eh, di ka naman mawawala" sabi ko naman
"nakalimutan ko na, bilisan mo kasi" sabi niya naman. Natawa tuloy kami pareho, kaasar nakalimutan daw amp.
"wow ha, don ka nga laging naglalagay ng letters tapos makakalimutan mo. Pauso" sabi ko naman sakanya tapos narealize ko bigla yung sinabi ko. Oh my God! Nakakahiyaaaaa! Pasmado bunganga mo Akieshaaaa
Napatingin naman ako sakanya tapos nakita ko siyang ngumingiti, grabe nakakahiya talaga ayoko na ngang magsalita baka may masabi pa akong di karapat-rapat.
Liliko na sana kami sa hallway papunta sa building ng 4th years ng sabihin ko sakaniya na iwan nalang niya yung speaker doon at ako na bahala
"Kaya mo ba buhatin yan eh may isa ka pang bag?"
"oo ako na bahala tatawagin ko nalang sila"
"ako nalang para mabilis" sabi niya at dumiretso sa paglalakad. Tigas tigas ng ulo.
Pagpasok namin ng building ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang sarado ang classroom namin.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...