I spent a week with my friends, sleep over lang ganon deciding where we want to study. I passed all the college entrance exam sa school na pwede kong maging fallback.
I want to pursue Mass Communication major in Journalism minor in Broadcasting in SCA. Iza also decided to enter the University 2 towns away from my University. Mich failed the exam in her dream university, sayang nga lang kasi doon papasok sina Charles at Elmer. No choice siya kaya siya ang pinakamalayo.
We've been staying at Iza's room. Tatlo kami nina Iza, at Mich sa bed niya samantalang yung dalawa ay nasa couch. We're disappointed about the thought na maghihiwa-hiwalay kami. Imagine we're childhood friends yet ngayong college maghihiwa-hiwalay na kami.
We've been sitting there for hours, tahimik, nakatingin sa sari sariling phone. Alam namin na somehow malungkot even when we always promise na kung may free time ay magkikita kita, but we're scared with the fact na magkakalayo layo na kami.
Na papasok kami ng university na mag-isa. Walang kasama, walang kakilala, at yung wala na kaming kasamang mag lunch. Nakakatakot. Buti pa sina Elmer at Charles magkasama.
Natatakot din ako para sa sarili ko, Oo gusto kong lumayo at mag stay sa isang lugar na mag isa pero natatakot pa rin ako kapag nasa university na, kapag may ibang tao na.
"Hoy bisitahin niyo ako ha, feel ko di ko matatagalan yun. Mag isa ko ba naman" rant ni Michelle
"Oo ipush natin magkita every Saturday or sunday, kung kailan hindi tayo busy" sabi ko naman
"Akiesha huwag kang magsusungit don baka wala kang maging kaibigan" sabi naman ni Iza
Hindi naman na ako maghahanap ng ibang kaibigan eh, mag aaral ako doon. Kontento na ako na sila na lang kaibigan ko. Mahirap din kasi kapag marami kang circle of friends.
Nagsimula na yong enrollment nila santalang yung sa SCA hindi pa. Nakapag move out na rin sila samantalang ako next week pa. Ako nalang tuloy naiwan dito sa village mag-isa.
Lumabas ako ng bahay para maglakad lakad. Gusto ko lang magalanghap ng sariwang hangin. Ang tahimik ng bawat street. Hindi ko naman inaasahan na dadalhin ako ng mga paa ko sa dagat.
Maaga pa kaya walang tao, or sadyang busy na yung mga tao sa school at works nila.
It's been a while since the last time I went here. Sa tuwing inililibot ko yung mata ko sa dalampasigan naaalala ko yung mga panahong nakaupo kami sa buhangin ni Juan Sebastian. Mga panahon na payapa na ako sa piling niya, iyong nakikipaghabulan kami sa bawat alon at syempre yung sabay naming kwinekwento sa bukang liwayway ang mga pangarap naming dalawa.
Ayoko ng lokohin iyong sarili ko dahil miss na miss ko na talaga siya. Siya lang unang lalaking pinapasok ko sa buhay ko eh. Iyong unang lalaking pinagkatiwalaan ko.
Minsan napapaisip ko kung minsan ba kahit isang segundo, dumaan ba ako sa isip niya? kasi never naman siyang nawala sa isip ko eh.
Siguro nga I'm not really moving on, I'm just coping up. Ang hirap niyang kalimutan.
But I know I need to, gusto ko na rin namang sumaya. Ayoko ng mamuhay sa nakaraan. Gusto ko ng mawala siya sa inhibisyon ko.
Okay na rin siguro iyon, tama na yung higit isang taon na nakasama at nakilala ko siya. Okay na yun. Tama na yun. Ganon talaga siguro.
Nagpunta ako sa Milktea Corner sa tabi, ewan ko ba I crave for it eh. I just ordered the usual, Salted Caramel and King Burger and sat next to the window where I can see the sun slowly kissing the sea.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...