36

0 1 0
                                    

Palapit na ng palapit yung moving up namin. Wala na rin kaming masyadong ginagawa sa school.


Pumapasok na nga lang ata kami para magchismisan eh hahahaha


Ang gulo ng room namin, may mga nag rereview kasi malapit na ang finals namin, yung mga iba naman ay naglalaro samantalang kami naman ay nasa likod kasama ng mga kaklase naming kumakanta at nag gigitara.


Nagmumukha pa kaming background music ng mga nag rereview kasi panay ang request nila ng kanta hahaha


"Andyan na si Ms. Mallari" sigaw ng kaklase naming nasa may bintana kaya magmamadali naman kaming bumalik sa seating arrangement namin.


Nakakabadtrip lang kasi puno ng kalat yung arm chair ko, kalat ata ng mga naglalaro kanina kasi puro scratch paper eh.


"kaninong kalat to?" tanong ko sa mga kaklase ko


Aba wala ba namang aamin kung kanino to, nakita ko naman na parang may mga ibang design para sa ginagawa naming scrapbook sa isang subject kaya naman ay dinampot ko yon at pinakita sa kanila kung kanino yun.


"wala bang may-ari nito? kung hindi niyo kasi mesa huwag kayong magkalat, nakikimesa na nga kayo mag iiwan pa kayo ng kalat niyo"


Nakakainis lang kasi wala man lang umamin.


"itapon mo na iyan, hayaan mo sila. Ayaw nilang ayusin yung mga gamit nila" gulat naman kaming lahat nong marinig namin yung boses ni Ms. Mallari


Nasa likod na pala namin siya nakapamewang, halatang narinig ata niya lahat ng sinabi ko kanina.


Dinampot ko nalang lahat ng naiwang mga gamit nila sa mesa ko at tinapon ko sa basurahan sa labas ng room namin.


Nakakabadtrip tuloy. Nakasimangot akong bumalik sa room namin dala ng badtrip ko sa mga kaklase ko.


"halla kayo jan baka nag away sila ni Alvarez tapos ginagalit niyo pa" sagot naman ng pabibo naming kaklase na para bang mag nakakatuwa sa mga nangyayari


"mag ambag ka muna sa thesis niyo bago ka ngumawa jan, magaling ka magpabida wala ka namang ambag sa ka grupo mo" sabi ko nalang


Nakaka stress talaga magkaroon ng pabibo na kaklase.


"Ikaw Velasco ang puro pag ibig pag ibig nasa isip mo di ka pa nga nag papass ng requirements mo" sabi naman ni ma'am


"Akiesha yung sabi ko sayo ha, huwag si Alvarez nako ngiti palang non maloko na" sabi naman ni Ma'am


Paano ba kasi nasama si Alvarez sa usapan? Ayaw ko lang naman ng makalat na study environment eh. Hays.


Hindi ko din alam kung bakit ganon yung tingin ni Ma'am kay Juan Sebastian samantalang ako lagi ko naman siyang nakakasama at maganda naman pinapakita ni Juan sa akin.


Minsan tuloy nakaka confuse pero wala din naman akong nakikitang maling ginagawa ni Juan sa akin.


Alam ko naman na bata pa ako eh tsaka hindi naman dahil sa same feeling kami eh kami na. Sadyang ang bilis lang mag conclude ng mga tao.


Noong lunch ay kasama kong kumain mga ka group ko sa thesis.


Nadaanan naman namin sila Tin at yung pinsan ni Juan Sebastian. Nginitian ko lang sila. Miss na miss ko na talagang kasama si Tin.


"Nag away away ba kayo nina Kristine, Kiesh? Napapansin ko kasi hindi niyo na siya kasama. Sabagay din kasi noong elementary palang kami wala ding tumatagal na kaibigan niya sa kaniya" tanong ni Johana


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon