39

0 1 0
                                    

Acquaintance party namin, ganito daw yung salubong sa SHS every year para makipag socialize at magkaroon ng friends.


Hindi na sana ako sasali kaso si Iza sobrang mapilit. Buti rin at makakasama namin sina Mich, Elmer at Charles. Siguradong hindi boring tong gabing to.


Nauna na kami ni Iza kasi as an officer of our Department kailang naming mauna sa venue. Buti nalang at magaling mag make up tong si Iza doon nalang daw kami mag aayos, ang hassle naman kasi kapag nakamake up na kami tsaka kami mag aayos.


"Ang sarap mo talagang ayusan sis, lalo na yung pilikmata mo. Hindi na kailangang lagyan ng falsie. Pak na Pak!"


"Anoba ako lang to, si Reign. Kaibigan mo lang to!" mayabang na sagot ko sa kaniya



"Hangiiiiiin! May bagyo ba? sayang ayos sa venue. Hindi ko ata masusulit binayad ko sa food"


"Oo sa food ka nalang wala namang magsasayaw sayo, asa ka!"


"At sino naman sayo? wala naman dito jowa mo"



Others will say grabe kami maglaitan or mag okrayan ni Iza but it's so normal for us. Ganon na talaga kami and kilala namin ang isa't isa kaya never kaming na offend sa isa't isa dahil pareho naman kaming hindi pikon.


The program went by and di naman namin inaasahan na sasali pala sina Elmer at Charles ng sayaw sa department nila. Kahit kailan talaga itong mga to ang lalakas ng trip.


"Bebe mo oh Mich, ano nakain ng mga yan?"


"Aba ewan ko din parang mga timang ang hayop. Kaya pala kahit wala silang klase pumupuntang university para magpractice"


"Active na active yan?" sagot naman ni Iza


Nagsimula na yung slow dance or sweet dance na tinatawag nila. Nagsitayuan na ang mga tao at pumunta sa dance floor. Some were holding flowers too. Siguro couple yung mga iyon.


Inaya rin ni Elmer na sumayaw si Mich. Ang tagal na rin nila. They were couple I look up to. They may be too young but I witnessed how they love each other. Sometimes they argue too but as Mich said they don't let each other sleep with a heavy heart.



I'm so happy for the both of them. I'm so happy seeing my two best friends happy. Minsan nga nag uusap kami ni Iza kung paano kami humahanga sa kanila.



"Sis make up'an ko muna sina Miguel at Elizabeth ha" paalam ni Iza kaya naman kami nalang ni Charles ang naiwan sa table namin.


"Hanap ka na kasi ng jowa mo para hindi ka na naiiwan" biro ko sa kaniya


"Yabang naman! kapag ako nagkajowa who you na kayo sakin" biro niya


"Bakit nga wala kang jowa? sabagay babaero ka din kawawa lang yung mamahalin mo"


"Gago ako nga pinaka matino sainyo eh" Nagtawanan naman kami pareho. Hindi ko namalayan na dinig pala kami ng mga classmates ko. Akala tuloy nila na something kami ni Charles.


"Kayo pa pala ni Juan no?" pag iba niya ng usapan.


"Oo naman bakit crush mo siya? Oh my God Charles! Totoo ba? Sabihin mo lang magpapalaya ako para sayo. Ganon kita kamahal"


"Gago, kita ko lagi sa story ni Tin lagi silang magkakasama"


"Sila nga ata magkakaibigan ngayon eh. Bakit hindi mo tanungin ni Juan"


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon