37

0 1 0
                                    

Ang bilis ng araw, moving up na namin. Hindi nakadalo sila Matt, Luke at Juan Sebastian kasi nagbakasyon na sila.


Sinubukan na magpa iwan ni Juan sa travel nila ng Lola niya pero hindi daw siya pinayagan.


Ayos lang naman sa akin yon, walang problema. Kasama ko naman sila Iza at Pamilya ko. Naiintindihan ko naman kasi yun lang yung buwan na makakasama niya ang Mommy niya.


Parang normal na araw lang ito para sa amin kasi alam naman namin na next school year kami pa rin ang magkakasama.


Kachat ko pa rin naman si Juan Sebastian habang on going yung ceremony, ito nga yung dahilan kung bakit hindi ako nabo bored eh. Inuupdate ko siya at inuupdate niya rin ako.


After ng moving up ceremony ay nagpicture kaming magkakaklase kasama ng mga naging teachers namin. Nakipagyakapan din naman ako sa mga close kong kaklase kasi mamimiss ko din yung mga moments namin together.


Yumakap din ako kay Ma'am Mallari na unang teacher na naniwala sa kakayahan ko, tinulungan akong ma enhance yung talent ko as a writer and nagsilbing magulang ko sa paaralan.


"Thank you Ma'am" sabi ko sa kaniya ng maluha luha. Never ko kasi naranasan na may naniwaka sa akin at sinuportahan ako throughout the process.


"Akiesha huwag ka namang ganyan, Congrats anak. Galingan mo sa SHS at college ha andito lang ako kung kailangan mo ng tulong sa acads pero alam ko namang kaya mo na yan" sabi niya


"Bibisita bisita din naman kami dito ma'am eh" sabi ko


"Huwag na din si Alvarez madami ka pang makikilala doon pag nag SHS ka na. Confirm babaero yun" sabi ni ma'am nang may pag-irap pa


Nakakaaliw talaga tong si Ma'am minsan parang nakikiusap lang sa mga kaibigan niya.


Pinicturan rin kami ng mga magulang namin.


"Teka asan si Kristine?" Tanong ng mama ni Mich


"Bilisan niyo nagugutom na ako" biro naman ng mama ni Iza


"Kami nalang Ma" sagot ni Mich


Iba't ibang pose lang yung ginawa namin na pati magulang namin ay natutuwa. Meron pa yung binuhat namin si Iza.


Kumain lang kami ng lunch sa isang restaurant nina Mom, Dad, Ate at Kuya. Makikita mo sa mga mata ni Dad na proud na proud siya sa akin.


Binigay lang din nila yung gift nila sakin bago kami umuwi.


"Punta kayong Manila?" tanong ni Dad samin ni Ate. Hindi na kasi makakabakasyon sa Manila si Kuya kasi andito yung work niya.


"Si Akiesha muna, may pasok pa ako" sabi naman ni Ate


"gusto mo ba Akiesha? di susunod nalang si Ate may pasok pa daw eh. Hatid kita kung gusto mo" Dad


Umoo nalang ako wala din naman akong gagawin dito eh. Miss ko na din mga pinsan ko sa Manila.


Every year dito lang ako nagbabakasyon bukod kina Lola. Mas marami kasing pwedeng pasyalan rito eh.


"Nagluto ako ng giniling jan, eat well Akiesha diretso MOA na tayo mamaya" sabi naman ni Ate Ramela


"Ay bawal matulog muna teh? iidlip lang saglit ganon?" biro ko


"Onti lang ha mga 5 mins. pag sumobra salamat nalang sa lahat lahat"


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon