13

1 1 0
                                    

After class ay pumunta dito sa bahay sina Mich at Iza, si Tin daw kasi kasama yung iba niyang friends samantalang sina Elmer at Charles naman ay as usual nasa school pa rin nag pa practice. Malapit na din kasi ang game nila.


"Sis bat ka ba naman di pumasok? Ang dami kayang nangyari ngayong araw na to sis, di namin kinakaya hahahaha" Mich


"Ano ba nangyari?"


"Si Tin feeling ko umiiwas na siya sa amin kanina, iba kasama niyang nag recess tsaka lunch. Ewan ko dun. Pero pag kinakausap naman ang tipid ng mga sagot" Iza


"Bakit naman kaya?" Ako


"Ewan baka bad day niya lang din kaya ganon, pero wala naman talaga kaming ginagawa para ganon maging pakikitungo sa amin. Hays" Mich

"Di ba kayo nag-away nagkasagutan o ano?" Ako


"Hindi sabay nga kaming pumasok eh ewan ko don" Mich


Hindi naman kami madalas nagkakatampuhan kasi parang kulang ang araw pag di kami magkakasama. Ano kaya nangyari sa babaeng yun?


"Pero sis may good news din, feeling ko lumiliit na ang mundo niyo ni "J", feel ko malapit mo na siyang makilala" Iza


"Bakit naman? paano niyo nasabi?" Ako.


"Si Basti pinagbigyan niya ng sulat kanina, so ibig sabihin talaga kilala din natin yun kung sino man yun." Iza


"Kainis lang din si Basti, ayaw sabihin kung sino nagpapabigay. Pinilit pilit namin siya kaso ayaw niya talagang sabihin." Mich


"Oo tapos sabi pa niya wait nalang daw tayo kasi magpapakilala din yun sa atin daw" Iza


"So tingin niyo kilala ni Basti?" Ako


"True sis nako grabe talaga pamimilit namin kaso ayaw umamin" Iza


"Sino talaga kaya yung "J"? kaloka naman" Mich


"Pag nagpakilala sa iyo yun bigwasan ko eh" Iza


"Gago! lalaki ka na ghorl?" Mich


Hahahahahha, parang mga baliw ang mga ito.


"Nga pala wala ka kanina, bukas na ang game nila Charles at Elmer. Ano G ka ba?" Iza


"Aba oo naman kami mag cocover mula sa Writers Guild. Same bus daw kami eh kaya dapat maaga bukas. Kayo aabsent kayo?" Ako


"Syempre naman susuportahan ko sila, supportive na jowa ang peg ko bukas" Mich


"Naks naman nagyayabang na may jowa!" Iza


"Si Basti nalang jowain mo aa HAHAHAHAHA" ako


"Gaga nakamove on na ako dun no, sa volleyball ako. Team mate ng bebe ni Tin. Kayo ni Mich sa basketball tapos kami naman ni Tin sa volleyball oh diba balance. Hahahahaha" Iza


"Gagi sino namang bebe ko don sa basketball? Babaero mga yun, awit doon"


"Kalma ka lang hahanapan kita" Iza


"Gago"


Atat na atat silang magjowa ako. Ano ba meron? Labanan ba ito? hahahaha


Si Iza naman iba iba ang crush, hype to HAHAHAHAHA.


"fr. Writers Guild
Good Evening, May I remind Akiesha, Anton, and Althea to please be reminded not to be late tomorrow. Kung magpapa-late kayo maiiwan kayo ng bus, nakikisabay lang tayo. @Akiesha matulog ka na para maaga ang gising mo. Ikaw lagi late. Okay good night na. Goodluck for tomorrow."


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon