18

1 1 0
                                    

"Hoy! mga hayop kilala niyo si Juan Sebastian ano? Epal ayaw pa sabihin, siya nalang kaibiganin niyo wag na ako!" Pagalit kong sabi kina Charles at Elmer nong break time namin sa school.


Nasa may mini forest kami, magulo kasi mga tao sa cafeteria this time. Hindi kasi regular ang pasok kasi kakatapos lang ng exam, kinokompleto nalang namin ang requirements namin.


"Sino namang Juan Sebastian yan? ba't di ko alam yan?" Iza


"Gaga ako din!" Mich


Tanong naman ng dalawa samantalang yung dalawang mokong ay nagbubulungan sa tabi at si Tin naman ay tahimik lang na kumokopya ng assignments at requirements sa gilid.


"Gusto mo makilala? sure ka?" Elmer


"Tawagin ko?" Charles


Pero pinaninindigan ko lang na galit ako sakanila.


Pero on the other hand, natatakot din ako na baka mamaya tawagin nila kung sino man yung taong yun. Di ko naman kilala, ano irereact ko? Ano gagawin ko pag nakilala ko na?


Hay naku ka stress!


"Huy sino ba yan?" Sabay na tanong nina Mich at Iza


"Yung nagbibigay ng sulat sakaniya" Charles


"Juan Sebastian ang pangalan?" Mich


"Pang lolo ang pangalan amp! hahahaahahha!" tawang tawa si Iza


"Iba din aa may Juan Sebastian pa palang nabubuhay ngayon, ka ano ano ba siya ni Padre Damaso?" Tin


Leche talaga tong mga tropa ko mga abnoy amp! Di ko naman mapigilan ang tawa ko kaya nakipagtawanan na rin ako sa kanila.


Pero oo nga no, parang pang oldies yung pangalan niya hahahaha. Natatakot tuloy akong makilala siya pero hays bahala na.


"Tin epal baka pag nakilala mo yun mapa "ay shet ang pogi" ka" Charles


"Ikaw ang epal Charles Theodoro isa kang chipmunks!!" Tin


"Wow Kristine grabe naman ang pagkagalit mo sa second name ko, sorry na patawarin mo na ako sa lahat lahat ng kasalanan ko. Pasensya na ha? Pasensya na Godbless!" Charles


"Mga gago ayusin niyo na requirements niyo" Elmer


Namiss ko iyong ganitong basagan namin ng trip hahahaha. Ngayon lang ulit kami nakompleto si Tin kasi sumasama siya sa mga friends niya last week, pero wala din naman kaming karapatan na pagbawalan siya kasi friends niya yun.


Pero syempre di naman naming maiwasan na mamiss siya, kami ang unang kaibigan niya eh kaya nakakasama lang ng loob minsan. Hindi naman namin siya pwedeng itali nalang sa amin.



Akala nga namin di niya na kami kakausapin eh. Buti nong sinabi naming tulungan namin siya sa requirements at incomplete assignments niya ay sumama siya sa amin at kinausap niya ulit kami.


After break time pumunta ako sa P.E and Health building para sabihin kay coach na di na ako maglalaro ng badminton. Nung last practice kasi ang pangit talaga ng laro ko and I don't think na kaya ko pang maglaro after ng mga side comments na narinig ko. Kahit dinedefend ako ni coach, siguro i gigive up ko nalang ito.


Nagpaalam naman na din ako sa kanilang lima na uuwi na ako kasi kailangan ko pang mag ayos ng gamit ko dahil may seminar ang campus journalism bukas. Wala din namang attendance ngayong araw at complete na din naman ang lahat ng requirements ko kaya pwede na kahit hindi na ako pumasok. Pwede ding a attend nalang ako sa bunutan for Christmas Party.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon