23

1 1 0
                                    

Palapit na ng palapit iyong Christmas Party ng school. Bali sa umaga ay Christmas Party per block sa gabi naman ay tinatawag na Christmas ball, sayawan at may konting activities at ang mga kasali lang ay third year, fourth year at senior highs.


At heto sina Iza at Michelle pinipilit nila akong sumama sa Ball kasi kesyo last year na daw pero kahit minsan di pa ako nag jo join. Eh kasi naman hindi naman ako sanay na mag ga gown eh tsaka parang amboring naman.


"sige na sis sabay tayong apat nila Iza at Tin bibili ng damit at magpapaayos sali ka na" Mich.


"pag iisipan ko pa" sabi ko naman kaso pilit pa rin sila ng pilit kaya iniiba ko nalang ang topic.


After naming malaman kung sino ang nabunot namin ay agad naman kaming pumunta ng Mall para makabili ng gifts. Bibili na rin kami ni Iza ng gifts namin para saming anim.


Bale naghiwa-hiwalay kami by two's ang samahan, bale magkasama kami ni Iza, si Charles naman at Elmer tas si Tin at Mich.


Pumunta kami ni bakla sa sports wear para bilhan ng regalo yung dalawang lalaki. Ang napili ko ay socks si bakla naman at yung nilalagay sa paa sa tuwing may game.


Pagkatapos ay sa mga damit para naman kay Tin tsaka sa nabunot ko. Noong kay Iza na ay lihim akong bumili ng make up kasi magaling siyang mag-ayos. Mas magaling pa siya kaysa sa aming tatlo. Well wala naman akong alam sa ganyan ganyan. Stuff toy naman napili ko kay Mich.


Nagkita kita lang kami nong lunch para sabay sabay kaming kumain. Sakto din namang nakita namin sila Mat, Luke at Sebastian kaya sabay sabay nalang kami.


Nasanay na rin naman ako sa presensiya ni Juan Sebastian na minsan medyo may something, sabay sabay kaming nag la lunch sa campus, tumatambay sa Park, pumupunta sa hideout tsaka sa mga chat niya minsan or texts.


Nirereplyan ko din naman.


Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa arcade para maglaro, nagbasketball na syempre kami nina Iza at Mich ay sa pambata tapos yung boys sa pang malaki. Naglaro sa racing, tapos nung napagod na kami ay  sa videoke naman kami. Dahil di kami kasya sa isa ay naghiwalay kami, kami nina Iza, Charles, Mat at Sebastian sa isa. Si Luke, Tin, Mich at Elmer naman sa isa.


Si Iza at Charles lang yong kumakanta sa amin nung una ang lalakas nga ng trip nila puro pang broken hearted ang kinakanta nila. Pinipilit nila akong kumanta kaso ayoko talaga, wala akong talent sa pagkanta no.


Hanggang sa kumanta na rin si Sebastian, kinanta niya yung Huwag kang matakot ng eraserheads tapos ay ikaw lamang ng silent sanctuary. Kantyawan naman sila sa akin at di ko din maiwasang mapangiti sa kanila.


Bakit feeling ko para sa akin niya kinakanta yun, lalo nat nakatingin siya sa akin.


Huwag kang matakot
Di mo ba alam andito lang ako
Sa iyong tabi
Di kita pababayaan kailan man

At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita


Why does it felt like there's a butterflies in my tummy? Bakit parang kakaiba yung nararamdaman ko tuwing nasa paligid ko siya? Nagiging conscious ako sa sarili ko. Bakit sa tuwing tumitingin siya sa akin at ngumingiti ay napapangiti na rin ako?


Kinakabahan tuloy ako sa nararamdaman ko. It is even possible kung feel ko inlove na din ako sakanya? pero were still young, do we really supposed to feel this way? I mean totoo ba? or baka naman mapaglaro pa ang mga isipan namin or siya at baka naman imahinasyon lang namin or ewan. Ang gulo.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon