Time flies so fast at kasalukuyang na kaming naglilipat ng gamit sa bago naming boarding house.
Ang saya lang kasi sama sama na kaming titira sa iisang lugar kahit na iba iba kami ng strand. Si Mich ABM, sina Charles at Elmer at STEM samantalang kami ni Iza ay sa HUMSS.
Bali magkakasama kami nina Mich, Iza at ako sa kwarto, sa kabila naman si Elmer at Charles pero sabay sabay pa rin naman kaming kakain dahil yung kwarto lang namin ang may kusina. Hindi rin naman alam ng dalawa magluto.
Pagkatapos naming magayos ng mga gamit ay pumunta lang kami ng SM para bumili ng iba pa naming kailangan at stocks.
"Gago magkaka UTI at kidney stones tayo sa mga pinagdadampot mo Charles" sabi ni Mich habang binabawasan sa cart namin yung mga napakadaming nilagay ni Charles na mga junk foods, delata at noodles
"Bakit alam mo ba magluto ng totoong pagkain?" rebat naman niya kay Mich
"Ako nalang magluluto minsan pag may time basta kayo mamamalengke at maghuhugas ng mga pinagkainan" sabat ko sa dalawa dahil alam kong magsisimula nanaman silang maging aso't pusa.
"Whoa talaga Akiesha? marunong kang magluto? Baka puro prito ah mejo high blood pa naman ako" asar naman sakin ni Elmer
"Kapag ako nagluto baka pati pangalan mo makalimutan mo"
Bumili na kami ng pang isang linggo naming stocks at yung mga ibang kailangan sa boarding.
Pagkarating namin sa boarding ay nag ayos lang kami saglit ng mga gamit namin at habang hinihintay nilang matapos yung niluluto ko ay nanonood muna sila ng Harry Potter.
"Ang talented naman talaga Kiesh oh, swerte ko naman kapag umuwi ka ipagluto mo rin ako ha" asar ni Juan Sebastian sa akin sa phone
Nag v vc kasi kami. Mula noong makauwi ako galing Manila ay never kaming nagkita dahil mas nasa bakasyon pa siya at noong umuwi siya ay sakto naman ngayong lumipat na kami ng boarding.
"Miss mo lang ako eh" asar ko sa kaniya
"Sobra" seryosong sabi niya.
Hindi ko naman maiwasang ngumiti buti nalang at may ginagawa siya kaya hindi niya nakita yung reaksyon ko.
Ako rin naman eh miss ko siya. Miss ko na siyang kasamang mag dagat, kumain sa Milktea corner at maglakad lakad habang hinihintay ang sunset.
"Nasa necklace mo pa pala yang ring na bigay ko" tsaka ko lang napansin na nakalabas pala sa damit ko yung necklace.
"Oo naman pampataboy malas" birong sabi ko
"Bibigyan ulit kita, yung kasya na sayo"
"May ibibigay rin ako sayo"
"Ay exchange gift pala, excited tuloy ako"
Naaalala ko yung binili kong damit sa kaniya noong nag greenbelt kami. May nakita kasi akong T shirt na alam kong bagay sa kaniya dahil ganon siya pumorma.
Kinabukasan ay kami lang ang may pang umagang subjects ni Iza at magkaklase kami kaya sabay kaming pumunta ng school.
Umupo kami sa may bandang likod dahil sawa na akong umupo sa harap noong JHS.
"Babe penge index card" sabi ni Iza noong pinapalabas kami ng index card ng instructor namin.
"Sabi ko kasi bumili ka ayaw mo"

BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Genç Kurgu"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...