Pagkauwi ko sa bahay, nag-diretso na ako sa kwarto ko para i-edit yung articles na kailangang ipass kay sir tsaka din para ma kapag search pa ng iba.
Kukunin ko sana ang phone ko sa bag kaso may nalaglag nanaman na same envelope tsaka yung sticker same din sa natanggap ko dati.
May letter nanaman
Paano?
Paano niya nalagay sa bag ko eh halos lagi ko ngang hawak hawak yun.
Baka nung nakatulog ako, pero nasa may library ang bag ko eh, tsaka nasa tabi ni sir yung bag ko. Parang napaka impossible namang malagay niya yun.
Ang weird lang, ang creepy. Nakakabother tsaka nakakagulo ng utak kung sino ba ang "J" na laging nagpapadala ng letter.
Sinave ko na yung ini-edit ko at nagpunta sa veranda para basahin yung sulat.
Di ko naman napansin na pinagmamasdan ko na pala ang kalangitan. Napakapayapa, ang liwanag ng kapaligiran dulot ng buwan. Nagmistulang mga glitters din ang mga stars na nagkalat sa langit. Ang ganda nilang pagmasdan na nangni ningning.
Sinarado ko ang sliding door ng veranda para walang basta basta makakapasok. Umupo ako sa sofa at binuksan ang neon lights sa wall tsaka ng fairy lights para madagdagan ang liwanag.
"Dear Laureign,
Okay ka lang ba? Parang pagod na pagod ka yata nong nakita kita kanina.
Sana ayos ka lang talaga.
Ang pangit ng araw ko kanina pero nung nakita kitang naglalakad papunta sa loob ng cafeteria para akong na re-charged.
Grabe talaga I really really like you.
I love how you made me feel.
Sana one of these days maging malapit pa tayo.
Gusto kong mapalapit sayo kaso sa tuwing andyan ka na sa harap ko, dinadaga ako.
Nakita kitang mahimbing na natutulog sa cafeteria kanina.
Kung napapagod ka magpahinga ka din.
Alagaan mo ang sarili mo.
Siguro drained ka na sa entrance exam na pinuntahan niyo, deserve mo ding magpahinga para may lakas kang harapin ang bukas.
See you again tomorrow.
Thank you for making my day great.
I hope to see your face more often.Sincerely,
"J"Na i speechless ako sa sulat. Bakit parang malapit lang siya sa akin, pero clueless talaga ako promise.
Well, ang caring din ng letter niya. Ang effort namang magsulat. Nakakahiya pa nakita niya daw akong nakatulog sa cafeteria. Ughh ano kayang itsura ko don baka mamaya dugyutin ako nakakahiya hahahaha
Ganito pala yung feeling na may nag-eeffort at nagpapahalaga sa iyo. Parang ngayon ko lang naramdaman. Nakakahanga yung pagiging ma effort niya pero at the same time nakakapang isip kung sino ba siya.
"GC ng patay gutom"
"hoy nagawa niyo na yung assignments @Iza @Mich?" Tin
"Ako nagawa ko na" Ako
"Pakopya" Tin
"Sige eto oh, pero paraphrase niyo para di masyadong halata
english.docs""Hoy babae may naghahanap sa iyo kanina" Mich
"Sino?" Tin
"si @Akiesha" Mich
"Truee sana all sikat, naks naman" Iza
"Oo suntukan daw kayo" Elmer
"Bobo mo talaga @Elmer" Ako
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...