20

1 1 0
                                    

Nagpaalam na ako kay Basti para umuwi noong maubos na namin yung kape kasi hindi ko talaga alam kung ano pa pag uusapan namin, kung ano ba dapat kong ireact ganon, ganon kasi hindi ko din talaga alam kung papaano din patagalin yung conversation namin


Ewan ko kung anong iisipin or iniisip niya sa mga reaction ko kanina.


Hindi ko alam gagawin ko lasi first time ko maka emcounter ng ganito. First time ko mabigyan ng letters in my entire life, first time ko na may nagkagusto sa akin na gumawa ng way.


Iyong mga dati na nagkakagusto sa akin sinasabi lang nila na "Gusto kita" ganyan tapos di naman gumagawa ng way para ipakita na totoo yung mga sinasabi nila. Kaya minsan kahit nagugustuhan ko na rin sila eh wala akong magawa kasi hindi naman sila gumagawa ng way.


Eh hindi din naman ako sanay na nang a approach ng ibang tao kahit sa anong circumstances man yan. Ako iyong tipo ng tao na kung hindi mo ako unang i a approach di rin kita kakausapin.


Minsan din siguro yun yung nakikita nila kaya nasasabi nila na masungit ako, na hindi ako approachable. Pero oo aminado ako na may pagkasungit ako, maldita ganon pero pag kasama ko naman iyong mga taong malapit sa akin minsn nasasabi din nila na kalog ako, maloko ganon ganon.


Sabi nga nila, makikilala mo lang ang isang tao, kung nakakasama mo na siya.


Pagkababa ko sa subdivision namin ay nagdiretso ako sa dagat, malapit lapit na din ang sunset. Buti at maaabutan ko pa ito.


Tinext ko si Iza na pumunta dito kasi feeling ko kailangan kong sabihin sakaniya lahat ng nangyari para turuan ako kung anong gagawin ko. Iza knows me well naman na kaya feel ko ay matutulungan niya ako.


Habang hinihintay ko si Iza ay kinuhanan ko ng video ang pagiiba ng kulay ng kalangitan at ang unti unting paghalik ng araw sa karagatan.


"The only changes that I loved" caption ko sa story ko.


May nag notif sa akin na may nag friend request daw, ng tignan ko ito ay si Sebastian Alvarez. Tinignan ko ang dp niya na kinuhanan sa Hogwarts Castle sa Universal Studio sa Japan. Bagay na bagay niya ang outfit niyang coat na akala mo ay taga Japan talaga siya. Sabagay kung hindi lang siya moreno ay mapagkakamalan siyang Japanese sa pagiging matangkad at singkit niya.


"kanina ka pa dito?" Iza


"Hindi naman"


"Kilala mo na si "J"?


"Ikaw umamin ka, kilala mo na ba siya? Iyong totoo?" seryosong tanong ko sakanya.


"Hindi, alam mo namang wala akong natatago saiyo eh, sa iyo pa ba ako magsisinungaling? tsaka paano mo naman nasabi na kilala ko na?"


"kilala nila Matt ay Charles si "J", feeling ko din ay sila ang naglalagay ng letters sa upuan ko, sa table ko, o kaya naman ay sa loob ng bag ko. "


"Halla ang daya nila, bat di nila sinasabi sa atin? F.O na ata ito!"


"Bakla kilala mo din si "J" kilalang kilala na"


"ay weh? so ibig sabihin ba ay malapit lang siya sa atin?"


"Oo no"


"Hmm kaklase natin? or STEM talaga?"


"STEM"


"gaga wala akong kilala sa STEM, sabihin mo na kaya!"


"nakakasama natin siya mag lunch minsan"


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon