I woke up still feeling tired and I still don't have the energy to get up of my bed.
Pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako sa laro ko kahapon at sa panonood sa gym.
Buti nalang talaga ay wala akong laro ngayon. Tinatamad na rin akong pumunta ng school, tsaka baka pagbantayin lang din kami ng booth.
Ang late na rin kasi naming umuwi nina Ate at Kuya kagabi low batt na rin pala ako kaya chinarge ko muna ang phone ko at nag ready na akong pumunta ng school.
8:30am na pala. Naalala ko na 9:00am nga pala ang laro nila Elmer at Sebastian ngayon. Nagmamadali nanaman tuloy akong pumunta sa school.
Dumaan muna ako sa 7/11 para kumain muna dahil hindi pa ako mag breakfast. Naalala ko din na bilhan ko nalang din ng tubig yung mga kaibigan namin para di ako asarin na late nanaman akong manood.
Habang kumakain ako tsaka ko lang binuksan yung phone ko.
Ang dami palang unread messages, hindi ko na rin kasi nabuksan to kagabi eh.
Mostly mga kaklase ko lang na kinakamusta yung laro naming players at yung iba naman ay kino congratulate lang ako.
Iza
"kauwi na ako sis, kasama mo na ba sila Ate?" 6:58pm"san ka na? wait ka ba namin sa 7/11?" 7:45am
"huy gagi san ka? tulog pa more" 7:53am
"manonood ka ba? ganong oras na oh! anong nangyari sayo?" 8:13am
"una na kami sa gym ha paumpisa na sis basta sa dating pwesto lang kami" 8:15am
Bakit ba kasi nakalimutan kong mag alarm kagabi panigurado ay patapos na ang first quarter niyan.
Binilisan ko nalang kumain para makahabol pa ako
Sebastian
"Congrats Reign! Thank you din sa support. Kakauwi ko lang. Nood ka bukas ha." 7:39pm"Good evening Reign, ginagawa mo?" 7:45pm
"kumain kana?" 7:48pm
"tulog ka na ba? good night. Thank you and congrats ulit <3" 7:50pm
"Good morning po, nood ka mamaya ha? Ingat ka po" 7:13am
"san ka na po? simula na ng game" 8:35am
"Di ka manonood? bakit? :(" 8:40am
Kinuha ko na yung binili kong bottled waters tsaka nagmadaling pumunta sa campus pagkatapos kong basahin yung texts ni Juan Sebastian.
Agad kong hinanap yung pwesto namin sa tabi ng players at saktong patapos na ang first quarter nong nakarating ako sa pwesto nina Elmer.
"aga mo naman para sa next game" panunukso sa akin ni Charles. Break muna kasi ata nila
"tignan mo mata o antok na antok pa" Iza
"Sila ate kasi kagabi sinamahan ko pa 11 na ata kami nakarating sa bahay eh sorry na love ko naman kayo eh" pambibiro ko naman sa kanila
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...