Someone's POV
Hindi sana ako papasok ngayong araw pero sinabi ko kay Laureign na ngayon na ako makikipagkilala sakanya. Hoooo! grabe kinakabahan ako sakanya. Sana naman ay huwag niya akong i basted agad. Ang tagal ko kayang inipon tong lakas ng loob na ito para lang malaman niya kung sino ba talaga ako.
Unang kita ko palang sa kaniya noong first day of school parang siya na yung paboritong tignan ng mga mata ko. Ang ganda niya kasing pagmasdan. Sa tuwing may kausap siya at pinagmamasdan ko siyang tumatawa ay parang natutunaw sa tuwa ang puso ko.
Sa tuwing nakikita ko siya buo na ang araw ko. Lagi siyang late pumapasok kaya naman ay sa tuwing pagkatapos ng flag ceremony ay hinihintay ko ang pagdating niya sa gate kahit malayo pa ang building namin don.
Pinapasaya niya kasi ang araw ko.
Noong una ay ayaw kong mapalapit sakanya kasi baka infatuation lang ito at sa mga susunod na araw ay mawawala din, kaso ilang buwan na.
Napaka talented at matalino niya ding tao. Sporty pa, sa tuwing nanonood ako sa laro niya pag free time namin ay focus na focus lang siya sa laro. Nakikita mo ang determinasyon niya sa ginagawa niya.
Nasa kaniya na ata ang lahat maganda, bubbly, matalino, sporty tapos magaling makisama kaya nga andami niyang friends eh ang dami ko ring naririnig na maganda about sa kaniya.
Ang cute niya din sa tuwing nagsusungit at binabasag niya ang mga tropa niya. Ang sarap niya sigurong maging tropa.
Minsan din nong minsang nagtagpo ang mga mata namin ay doon ko lang napagmasdan ang mga brown eyes niya na tila nang-uusap. I fell inlove with her more.
Oo di kayo nagkakamali. I love her na, kaya naman ay nagsimula na akong padalhan siya ng sulat. Para malaman niyang may isang taong may lihim na pagtingin sakanya.
"Study first yan tol" sabi naman ng kaklase ko
Nahihiya tuloy ako sakanya, kaso presentable naman ako tignan eh. Honor student din naman ako, sporty pa. Sana naman ay pasok ako sa standards niya.
Lagi ko siyang iniistalk, mula pagpasok niya sa gate. Lihim namin silang sinusundan kung saan sila kakain, tatambay, kung may laro ba siya o kaya naman ay meeting sa org. Siguro kung mapapansin niya ito ay sasabihin niyang creepy ako. Nagmamahal lang naman ako eh.
Grabe pa yung struggle ng pagpuslit ko sa classroom at desk niya para mabigay ko yung sulat sakanya. Minsan nga ang bakla kasi kinikilig ako sa tuwing binabasa niya yung sulat ko at ngumingiti siya. Sana may pag asa ako sakanya.
Isang araw ang aga niyang pumasok pero wala namang bag sa upuan niya kay naman ay hindi ko alam kung san ko ilalagay iyong sulat ko. Ayaw ko namang hindi ibigay iyon. Parang kulang ang araw ko pag ganon.
Naaalala ko pa nong meeting nila ng org. tapos asa gym kami non kasi P.E namin. Nung pauwi na ay tinignan ko siya sa classroom nila pero wala siya kinakabahan ako kung nakauwi na ba siya. Di ko man lang siya nakita at nabigay ang sulat kaso pagpunta ko sa cafeteria para bumili ng tubig ay ang sarap ng tulog niya.
Pumwesto ako sa gilid niya kung saan nakaharap ang mukha niya. Ang cute niya tignan, kaya naman ay inistolen ko siya at hanggang ngayon iyon ang wallpaper ko sa phone ko.
Hinanap ko din non ang bag niya at naglakas loob na din akong tanungin kay Tin kung saan ang bag niya pinakiusapan ko naman siya na secret lang namin iyon buti naman ay di niya sinabi.
Nagkunwari akong magbabasa sa library magisa ko lang din baka kasi magkanda gulo gulo pa pag kasama ko ang mga barkada ko. Malas pa iyong bag niya ay sa tabi ng sir. Ang hirap tuloy tyempuhan. Pabalik balik ako sa table nila na parang tanga.
Hanggang sa buti nalang ay umalis si sir at pumunta ako sa shelf malapit sa upuan niya. Malas ulit may CCTV pala.
Bahala na, binuksan ko ang bag niya at siniksik dun ang sulat. May pagka-clumsy kasi yun, minsan nalalaglag niya yung sulat.
Pagkalabas ko ng library grabe pinagpapawisan na pala ako. Akiesha Laureign mahal na mahal kita kaya ko ito nagagawa.
Unti-unti na din akong napapalapit sakanya at sobrang saya ko sa reality na iyon, kaso natatakot ako na baka kung kailan kami nagiging close ay biglang lalayo ang loob niya pag umamin na ako sakanya. Sana naman ay huwag.
Di ko ata kaya iyon.
Hanggang sa dumating na ang araw na napagdesisyunan ko ng magpakilala sa kaniya. Wala na akong pakialam, di na ako mapakali eh. Akiesha Laureign bakit ba ganito ang pinaparamdam mo sa akin?
Bahala na bukas kung lalayo man siya sa akin ay ako nalang ang lalapit sa kaniya. Susuyuin ko nalang siya para mapalapit lang ako sa kaniya ulit. Mahirap man pero kakayanin ko basta para sa kaniya.
Nakakakaba lang kasi siya yung unang babae na nagustuhan ko.
Hinihintay ko siya sa canteen kasi ito na aaminin ko na. Hindi rin ako mapakali sa mga oras na iyon. Ubos ko na nga ang malaking tubig ko kakainom sa kaba. Wala na tuloy akong mapag balingan ng kaba ko.
Kaso nakakapangselos lang kasi hawak na ng iba ang kamay niya. Tumatawa pa siya habang hawak ng kaklase niya ang kamay niya sabay sampal sa balikat niya. Kitang kita din ng dalawang mata ko kung pano niya tanggapin ang sulat ng lalaki sakaniya.
Ano ba naman iyan, walang originality nakakapanggigil.
"Sakit naman non tol" Luke
"Ouch wala na ata basted pa nga" Matt
Parinig naman ng mga tropa ko. Nawala tuloy ako sa mood kaya hindi nalang ako nagsalita. Nakakapang selos. Alam ko wala akong karapatan pero masisisi niyo ba ako?
Ayoko ng umamin. Kung sakaniya siya masaya edi okay nalang. Nilagay ko nalang sa bag ko ang envelope na may laman na sulat ko at nauna ng umuwi. Nakakabanas naman ang araw na ito.
Kaya naman pala nong sa lalaking iyon ko inabot ang sulat ay halatang badtrip siya. Kasalanan niya na yun babagal bagal siya eh tapos ngayon nangongopya pa siya ng diskarte.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...