19

1 1 0
                                    

"Hoy gagi don ang sakayan" kako kay Charles, out of way na kasi kami eh


"Andun si Alvarez hatid kita hanggang sa may entrance ng park tapos ikaw na bahala"


Hindi na ako nagsalita kasi mejo kinakabahan ako sa totoo lang. Pero pag hinahanap ko naman yung dahilan kung bakit ako kinakabahan, wala akong mahanap na rason.


"Hoy pano ko siya hahanapin? di ko naman siya kilala." Ako


"Kilala ka punta ka muna sa square table tas makikita ka naman niya"


Pumunta ako sa square table malapit sa fountain. Pinili ko don sa mejo dulo na part ng park kasi konti lang tao dito tsaka nakakarelax ang view.


Kaso mali ata ako ng makita kong paparating na si Basti sa banda ko. Makikita pa ata niya si Juan Sebastian baka mamaya mang alaska lang ito tapos i chismis sa nga tropa namin.


"Ngiti-ngiti mo jan?" tanong ko sakanya nong papalapit na sita sa pwesto ko. Parang tanga eh nakangiti. Halata ding hindi pumasok ang isang ito. Naka black short siya tapos polo shirt at sapatos. May dala pa siyang cap sa kamay niya.


"Wala" sabay ngiti nanaman niya.


"Punta ka na sa campus andon sila kaso di ko nakita sina Luke at Mat"


"Di sila pumasok, kararating ko nga lang din."


"Ginagawa mo dito?" Ako


"Sabi mo gusto mo ako makita eto na, andito na ako" bigkas niya ng may ngiti sa kaniyang labi


Kainis ang epal neto.


"Epal ang potek hahahahahaha, confident mo naman. Don ka na at may kikitain pa ako ngayon"


Ngumingiti lang siya tapos umiiling. Ang saya niya tignan, parang ang saya niya. Tae tahi tahimik lang tong isang to eh pag kasama ang barkada tapos ngayon eto makikita kong katulad din pala namin siyang kalog din. Well konti lang sakin mas malala sa kanila hahahaha


"Alam mo buong pangalan ko?" Siya


"Oo Basti feeling naman to, nanalo lang sa game eh. Oo na sikat ka na!" pambibiro ko sakanya


"Sungit naman, pero sino ba kikitain mo dito?" Alam mo yung tono ng boses niya ay parang nang aasar na ewan


"Si Juan Sebastian Alvarez, kilala mo?" Ako


Feeling ko ay nag oovershared na ako sa kaniya. Sana lang talaga ay huwag akong asarin ng mga eto pag nakita niya si Alvarez na kikitain ko


"Oo close kami non eh, gusto mo tignan picture?" siya


Hindi ko siya sinagot, puro kalokohan din itong isang to eh kaya wala akong tiwala hahahaha. Nakangiti lang siya habang may kung anong hinahalungkat sa bag.


"Ito oh tignan mo" sabay abot sa akin ng ID.


Pagkatapos kong tignan ang ID na iyon grabe parang tuyong tuyo na yung lalamunan ko kaya di na ako makapag salita. Nakatingin lang ako sa kaniya. Yung tingin na nagtatanong kung totoo ba iyong nangyayari ngayon. Kung totoo ba talaga?


Tinignan ko ulit iyong ID kasi baka nagkamali lang ako kaso mukha niya yung nasa may picture eh tapos may nakalagay na Juan Sebastian M. Alvarez. STEM A.


Siguro ilang minuto na din ako nakatitig sa ID niya pero di pa rin talaga ako makapaniwalang siya si Juan Sebastian eh. Hiyang hiya din ako leche!


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon