"Class we have a meeting together with the faculty so I will just leave an activity for you. Class president collect their activities before 10 am, that's all you can start now" Sir Santos
Hays ano ba naman yan, puro talaga siya pa activity nakakainis na. Wala atang araw na di siya nagpa activity. Nakakabaliw! May quiz pa naman sa susunod na subject.
"Akiesha gawin na natin ang activity" Iza
"Parang gusto kong gumawa ng activity sa mini forest para tahimik at relaxing. Nakakastress na kasi si sir" Ako
"Ako din, sige don nalang tayo. Huwag na nating isama yung apat baka mamaya wala tayong matapos kakajokes at tawa" sabi naman ni Iza
Kung may magiging safe place man ako dito sa school, siguro dito iyon. Napaka refreshing at calm ng place at wala ding masyadong students and tumatambay.
Nagsimula na din kami ni Iza na gawin ang activity. Tahimik lang kaming dalawa. Minsan magtatanungan ganon.
After din non ay nilabas namin ang notes namin para makapag-review sa quiz sa susunod na subject namin.
"Ate ikaw po ba si Akiesha Tan?" sabi ng siguro nasa grade 7. Nag ka mini heart attack naman ako, baka mamaya may kasalanan pala akong di ko alam hahaha
"Ay opo ako nga" sagot ko naman
"Meron pong nagpapabigay ng sulat, sabi niya po bigay ko daw kay Akiesha Tan"
"Wow ha Akiesha Tan. Kilalang kilala ka ghorl" Iza
"Kaya nga ang creepy tuloy, kilala ako tapos wala man lang akong clue kung sino ba yun?, baks baka naman kilala mo. Umamin ka na"
"Gaga kung kilala ko lang bat pa ako nagtatanga tangahan na di ko alam. Baliw to"
"May clue ka ba?"
"Wala, wait" sabi naman ni bakla na akala mo kung nag iisip ng malalim.
Hmmm bakit ba ako ang napili netong "J" na ito. Di naman ako maganda na mapapatingin ang mga tao pag naglalakad ako. Duh! Hays. Nawala tuloy yung concentration ko.
"Si Luke at Matt diba STEM sila?" Iza
"Ay oo pala, pero diba tatlong sections ang STEM?" hays Nakakafrustrate talaga. Ayoko na ngang isipin.
"Ask pa rin natin sa kanila mamaya. Sabihin ko sabay tayo mag lunch"
"Ikaw bahala"
"Na text ko na"
Si Iza talaga yung friend na super supportive na kaibigan.
Nagkita kita naman kaming tatlo sa canteen para sabay daw maglunch.
Pumwesto kami sa long table kung saan kasya ang 10 persons, eh sakto namang 9 rin kami. Sa tabi ko si Charles at si Luke naman ang kanyang katapat. Magkatapat naman kami ni Basti, Iza at Mat, Mich at Elmer tapos sina Tin at Charles.
"Miss na miss ako ni Iza kaya daw nakisabay sa lunch" Luke
"Nakakainis ka talaga, akala mo naman kapogi hays. Ano kasi may itatanong ako, diba STEM kayo?" Iza
"Oo bakit anong gusto mong malaman? papaturo ka sa math? mahal fee ko" Luke
"Suntukan nalang kaya tayo?" Iza
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...