"Kiesha gising ka na malelate ka nanaman sa school" panggigising ni Ate
Akala ko walang mang gigising sa akin ngayon at makakatulog ako ng maayos kaso nakalimutan ko andito pala ang Ate.
"Di na ako mag fa-flag ceremony ate"
"Bahala ka jan wala ka na namang kasabay pumasok"
At laging ganyan nalang ang scenario sa bahay since napakatulog mantika ko talaga. Same kasi kami ng oras ng pagpasok ni ate kaso minsan napapasarap pa ako sa pagtulog kaya madalas wala na akong ksabay pumasok.
Nag ayos na ako ng sarili ko at inayos ko na rin yung gamit sa bag ko. Di na ako nag almusal dahit late na talaga ako. 8:00 am ang pasok pero 7:45 na.
Pagdating ko sa school sinita naman ako ng guard kasi yung mga late daw kailangan paring mag flag ceremony. Napaaga pa ata ako ng pasok usually kasi halos nagkakasabay lang kami ng first subject teacher ko hahahaha.
No choice nabilad kami sa araw kasi pasaway kami at nakakahiya pa ang daming senior high students na gumagawa ng projects nila sa mga round tables malapit sa quadrangle.
Swerte ko naman pagpasok ko sa room wala pa kaming subject teacher.
"Wow himala ang aga mo para sa second subject aa" Elmer
"Swerte lang wala si sir" Tin
"Pasalamat kayo pumasok pa ako" pambibiro ko naman. Mga taong na to reklamador wag niyo nga akong minamandohan" biro ko sakanila
"Sis may nakita ako" Iza
"Malamang sis may mata ka, di ka pa naman ata bulag hahahaha"
"Lah pilosopo amp" Iza
Binibigay niya naman sa akin yung envelope na red na may sticker para di ma open
"oh bat yan?" ako
"Nakita ko sa table mo naiwan mo ba nung friday?" Iza
"Wala man, bat naman ako magkakaroon ng ganyan?" Ako
"Eh aba malay ko hiniram ko kasi yung book mo sa may silong ng upuan mo tas nakapatong yan, malay ko ba" Iza
"Uy eto wag mo akong pinaglololoko bakla di yan nakakatuwa" feeling ko talaga pinag ti tripan talaga nila ako.
"Eh baka bigay ng special someone, yieeeee sana lahat" Tin
"Naks naman may pa letter ang masugid na manliligaw" Mich
Manliligaw daw ang potek eh araw araw nga kaming magkakasama, as if naman may maitatago ako sa kanila.
"May manliligaw na ang bunso namin HAHAHAHAHAHA" pang-aasar nanaman ni Charles sa akin.
Sa aming lahat sinasabihan nila akong bunso dahil ahead sila ng isang taon sa akin tsaka matatangkad kasi sila though di naman ako maliit matangkad lang talaga sila hahahaha
Hinablot ko naman ang sulat na di ko alam kung anong meron dito. Feeling ko kasi aasarin nanaman ako ng aasarin nakakahiya sa mga kaklase naming nag aaral.
In fairness ha ang effort ng gumawa nito parang di ko mga kaibigan.
Tingnan ko yung sulat at nakita ko namang hindi penmanship ng mga loko loko kong mga kaibigan kaya safe
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...