16

1 1 0
                                    

Akiesha's POV


Umuwi ako sa bahay na disappointed. Nakakainis naman iyong mga lalaking yun kasi bigla bigla ba namang magbabago ng mood. Sino namang hindi maiinis? Imbes na nagsasaya na sana kami ngayon sa hideout eh.


Minsan na nga lang kami magkakasama na kompleto tapos ang a attitude pa nila


"Fr. Iza
Sis nakalimutan mo akong balitaan! Ano na si Mark ba si "J"? Sabagay John Mark ang pangalan niya."


"To Iza
Gaga hindi, pero alam mo ba nagconfess si Mark. Binigyan niya pa ako ng sulat pero di gaya ng sulat na binibigay ni "J"


Yung sulat na binibigay ni "J" ay may envelope tsaka may sticker pa, maganda din ang penmanship niya. Samantalang kay Mark ay isinulat lang sa bond paper tapos tinupi.


"Fr. Iza
Ay wow haba ng hair mo talaga! penge naman Sis hahahaha. Diba ngayon dapat kayo magkikita ni "J"? Anyari?"


"To Iza
Ewan din ayaw magpakita edi wag, tama nga ako nanati trip iyon. Nakakainis! Sana di mo nalang pinaalala!"


"Fr. Iza
Lah? galit na galit? mananakit? baka naman kasi diba wala tayong pasok."


"To. Iza
Kung gusto may paraan, kung ayaw scam lang yan"


Duwag talaga iyong isang iyon. Kung ayaw niya magpakita edi huwag. Hindi naman ako ang gustong makipag usap. Ano naman ngayon kung ayaw niya? Choice niya na yun! Bahala siya sa buhay niya!


Salamat nalang sa mga letters niya na isang buwan din ata. Kung nang go-good time man yun, Infairness ha. Ang effort effort niyang gumawa ng letters. Same envelope at paper pa pinagsusulatan niya, tsaka special paper pa iyon. Yung mabango hahaha.


Ang paasa! pero sabagay di ko naman alam kung may "J" ba talaga na nag-eexist.


Sana di nalang niya sinabi na magpapakilala siya kung ayaw din niyang magpakita. Wow ha chix


Nai stress talaga ako kapag naaalala ko mga pangyayari kanina sa school. Sumabay pa talaga ang limang iyon. Bahala na nga sila.


Kumuha ako ng balabal, phone, chips, at tubig ay pupunta nalang ako sa dagat. Buti pa dito kumakalma ang utak ko. Sa wakas ay mararamdaman ko din ang peace of mind.


Iba pa rin kasi sa bahay. Laging walang tao don dahil nga si Daddy nasa malayo, si Mom laging wala, si Kuya nasa trabaho tapos si Ate naman minsan lang umuwi ng bahay.


Kapag nasa bahay ako at nagiisa parang namimiss ko silang lahat. Sabagay, kung magkikita din naman kami ay ilang oras lang. Namimiss ko tuloy noong mga bata palang kami. Noong mga panahong puro halakhak lang namin ang naririnig sa bawat sulok ng bahay. Mga nagkalat na laruan sa hallways. Ingay ng iyak ko kasi ako yung asar talo noon, laging pikon. Mga sigaw ni Mom sa tuwing nag-aaway kami kasi nag aagawan ng laruan o kaya naman ay nagkakasakitan na kami imbes na laro laro lang.


Iyong mga panahon na nararamdaman ko pa kung gaano kasarap maging bunso. Iyong lagi akong nilalambing ng parents ko. Kada uwi nila may pasalubong. Iyong lagi akong binibilhan ng pagkain nina Ate at Kuya.


Ngayon kasi iba na eh. Minsan na lang kami makompleto tapos madalas ako lang naiiwan sa bahay. Ang tahimik na, sobra! Makikita mong malinis na kasi pag uuwi si Mom at Kuya ilang oras lang o kaya pag matutulog lang. Minsan pa ay masesermonan ka pa ni Mom.


Minsan nga sa sobrang tahimik nakaka suffocate na. Nakakabinging katahimikan ika nga nila. Hindi gaya dito sa dagat kalmado lang kahit papaano ay mga mga ibon pang nag-iingay. Sa tuwing pinagmamasdan ko din ang bawat paghampas ng alon sa kapaligiran.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon