17

1 1 0
                                    

Kinuha ko lahat ng gamit ko at pumunta sa mini forest, hindi ko namamalayan na umaagos na pala ang luha ko. Bakit ba ang malas malas ko ngayon?


Tinakpan gamit ang dalawang palad ko ang aking mukha at ipinatong sa lamesa. Di ko na mapigilan ang sarili ko. Iyak na ako ng iyak buti nalang ay wala ng tao ngayon dito.


Ang sakit sakit, ang bigat sa pakiramdam. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon?


Noong pakiramdam ko ay medyo kalmado na ako umayos ako ng upo ko sa square table sakto namang nasa harap ko na si Basti. Tinakpan ko ang mukha ko kasi hindi ko alam kung anong itsura ko sa mga panahong iyon. Nakakahiya. I'm a mess.


"Okay lang yan, ako lang to diba friends naman na tayo huwag ka na mahiya, ano ba nangyari?"


"Wala badtrip lang" masungit ko namang sabi tsaka inayos ko ang buhok ko. Pinunasan ko din ang mukha ko ng wipes tsaka pinunasan ko ulit ng tissue at naglagay ng powder.


Napatingin ako kay Basti tapos ay nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin.


"Hoy umayos ka nga, matutunaw na ako dito"


"Wow naman! sorry na Akiesha" sabi niya sabay tawa. Di ko rin tuloy maiwasang hindi matawa. Epal talaga tong mokong na ito.


"Uuwi ka na? kain muna tayo gutom na ako" Basti


"Libre mo ba ako? Asan iyong mga kasama mo kanina?"


"Oo na sige na, umuwi na sila sakto nakita kita dito kaya tumambay muna ako dito"


"Tara na nga"


Naglakad kami papunta sa food stalls sa labas ng school. Nakakahiya kasi may kasama akong sikat samantalang ako, wala nobody lang. Well sanay naman na kami kasi ng friends ko na sina Elmer at Charles at madalas ay kami ni Charles ang magkasama.


Pero alam mo yun yung isa lang na player ang kasama ko. Hayaan mo na halos lahat naman na sa campus alam na na madami kaming kaibigang basketball players.


Sa coffee shop kami pumunta, kapag malungkot kasi ako ay gusto kong kumakain ng sweets gaya ng ice cream ganon tapos nagiging okay na ako. Yan yung comfort foods ko.


"Anong order mo?"


"Caramel Macchiato tsaka mocha cake" sabi ko naman sakanya sabay ngiti.


iaabot ko na sana ang bayad ko sakanya kaso sabi niya siya na daw. Nakakahiya tuloy pero hayaan na sabi naman niya na magkaibigan na kami eh. Hahahaha ang kapal ng mukha ko.


Nag order naman siya ng chocolate cake at iced coffee ata yun para sa kaniya.


Nagkwentuhan lang kami ng random things about sa school ganon, mabuti din at hindi masyadong awkward, gaya lang nina Charles at Elmer pag dalawa lang kami.


Ang dami niyang kwento at jokes kaya naman ay natutuwa akong kasama siya. Kahit papaano ay sumaya din ako ngayong araw na ito.


"Sira ka talaga!" Ako


"Masayahin lang hahahaha"


"Oo din, ang generous mo mag smile. Iba din talaga pag sikat" pangangantyaw ko naman sakanya


"Di aa"


Napagdesisyunan ko ng umuwi nong alas singko na. Nagpaalam na rin ako sakanya, ihahatid niya sana ako kaso ay ayoko, nahihiya ako.


Time na rin kasi para bisitahin nanaman ang sunset. I think I need a fresh air. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Grabe! Ang I-intense, nakakapagod.


Kinuha ko ang sulat na binigay daw ni Mark.


"Dear Laureign,
I can't wait to introduce myself to you.
Hayaan mo sana na magpakilala ako sa iyo kahit kilala mo na ako.
Gusto ko lang naman na mapalapit pa sa iyo,
Gusto kong mas makilala ka pa.
Mahal na kita Laureign.
Alam mo sobrang kaba ko ngayon kaso lalabanan ko para di ka na mafrustrate sa akin.
Para sa iyo Laureign :).

Always,
"J"



Baliw talaga iyong Basti na iyon. Sabi kay Mark hindi naman. Tinignan ko yung date sa gilid. Naka date pala kahapon. So ibig sabihin balak niya na talagang magpakilala? pero kilala ko na siya? Lah? paano kaya yun?


Isisilid ko na sana ang sulat na iyon kaso meron pa palang isang sulat.


"Dear Laureign,
Una sa lahat sorry kung hindi ako nagpakilala saiyo kahapon,
Nasira ko pa ata ang mood mo.
Nagseselos lang kasi ako sa kaklase mo na nakahawak sa kamay mo.
Bat ganon nasasaktan ako, nagagalit ako.
Pero sorry, sorry kung nadisappoint kita kahapon.
Ngayon nalang ako magpapakilala sa iyo sana ay pag nakita mo ako sa mga susunod na araw ay pansinin mo pa rin ako at huwag mo sana akong iiwasan.
Masaya nga ako na napalapit na ako sa iyo.
Salamat Laureign.
Salamat kasi nakilala kita :)

Always,
Juan Sebastian Alvarez"


"ay putangina" legit na napamura talaga ako noong sa gulat noong nalaman ko yung pangalan sa baba.


Akala ko sa "J" lang ulit ang makikita ko don kaso bakit buo na yung pangalan??


May idea na ako sa isipan pero hindi ako sure kung tama, pero malabo din. Hindi siya yun hay naku Akiesha Laureign ano ba pinag-iisip mo. Asa ka naman ghorl!


I think this person is really stranger to me. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya eh. Sabi niya malapit na kami pero parang di naman. Nag-ha hallucinate lang ata ito eh hahahaha.


Pero sino kaya ito? Nakaka curious malaman kung sino ito.


Chinat ko sina Charles, at Elmer kung kilala nila si Juan Sebastian Alvarez pero ang mga walang hiya ang reply lang "di ko alam" with emoji pa na naka smile at may blush. Feeling ko may something tong dalawang ito.


Sinubukan kong mag search ng ganong pangalan sa facebook baka sakaling malaman ko na kung sino siya.


Kaso kainis wala naman tapos merong Sebastian Alvarez kaso yung account halatang di na nagagamit kasi 3 years ago na yung last post. Hay naku!


Triny ko rin sa IG kaso wala talaga, ano ba yan Juan Sebastian! Ang mysterious mo naman masyado hahahaha. Nakaka curious ka naman!


Grabe ilang oras ko ring inisip kong sino yung Juan Sebastian na yun. May Sebastian akong kilala pero malakas ang kutob ko na hindi siya yun kasi wala eh. Sa tuwing kasama ko siya or sila wala. Walang something.


Hay nako nagugulo nanaman ang utak ko. Ang dami pa namang gagawin para sa school

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon