Kinabukasan hindi ko namalayan na 10:00 o'clock na pala nong nagising ako. Puyat na puyat rin kasi ako kagabi ang late na naming umuwi eh.
Katangahan ko talaga! Nakalimutan kong mag set ng alarm. Pagbaba ko tuloy sa kusina tahimik na ang bahay. Nagtrabaho na si Mama, Papa at Kuya. Bumalik na rin si Ate sa dorm niya. Di man lang ako nakapag-paalam
Binuksan ko naman ang phone ko baka sakaling may update sila sa kaganapan sa school
Sana lang talaga walang subject teacher na nagpa quiz kung hindi malilintikan talaga ako. Wala pa namang consideration kung sakali kasi wala naman akong valid reason kung bakit di ako nakapasok ngayon.
"GC ng patay-gutom"
"Kiesha pakidala naman yung hoodie ko, nalagay ko sa bag mo kagabi" Charles 7:00 am
"Kiesha ba't wala kapa?" Tin 8:00 am
"Hoy asan ka na? gagi andito na si Ma'am" Iza
"Ano na kaya ba gumising today? gigising ka pa ba o di na? painform" Mich 8:30 am
"Hoy @akiesha ano na? andito na si sir sabi ko nalang na may emergency sa bahay niyo kaya male-late ka" Iza
Si Iza talaga ang friend mong super supportive hahahahaha
"Hoy may meeting daw kayong campus journ mamayang hapon may na circulate na memo, pasok ka sana all exempted nanaman sa quiz" Mich
"Gigising ka pa ba? kasi kung hindi na okay lang" Elmer
"Akin na kape at biskwit" Charles
Mga hayop talaga ito na-late lang ako ng gising, lalamayan ba naman ako. Napaka excited masyado. Advance magisip ng mga hayop hahaha
"Kalma lang guys, ako lang to. Hahahahaha. Kagigising ko lang. Slr sabay tayo kakain ng lunch otw na"
"Kagigising tapos otw. Mukha mo" Mich
"On The Water HAHAHAHAHAHA" ako
"Bilisan mo na kitakits sa cafeteria" Mich.
Agad naman akong nag-ayos ng gamit ko. Di na ako nagdala ng madaming gamit. Phone, paper tsaka ballpen nalang for sure naman ay gagawa lang kami ng articles hanggang uwian.
At kung minamalas nga naman oh! wala pang nadaan na tricycle sa mga oras na ito. Puro punuan, kainis naman di pa man din ako nag uumagahan. Baka wala na ako kasama mag lunch.
"Wow Akiesha ang aga mo naman, buti pumasok ka pa" Elmer
"Gago ang lakas ng boses mo, mahiya ka naman" Ako
Halos rinig ata kami mula sa labas ng cafe hanggang sa tables ng mga basketball players sa unahan. Napatingin tuloy sila kuya Matthew at Luke. Pati na rin yung ibang students.
"Halla! nag-order na kayo? di pa ako nag breakfast. Charles baka naman pa order hehe" Ako
"Ikaw na aa, alam ko ba gusto mong kainin ngayon? Late na nga mag-uutos pa" Charles
"Sige na please, nakakahiya kasi si Elmer ang lakas ng boses. Nahihiya na ako" Ako
No choice naman si Charles at nag-order na ng food ko.
Pagkatapos naman naming kumain nagstay pa kami don. Sakto namang dumaan sa pwesto namin ang mga basketball players.
Nginitian naman at nakipag-apir sa amin sina Kuya Luke at Matthew pagkatapos kina Elmer at Charles. Gulat naman din ako nong pati si Basti nakipag apir. Nakipag apir na din ako nakakahiya eh. Feeling close hahahaha

BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...