Days went by, papalapit na ang Christmas at feel na feel na rin talaga. Mula sa naglalakihang Christmas tree, nagliliwanagan at kumukuti-kutitap na mga Christmas lights sa gabi na ang gandang pagmasdan.
Hindi rin nawala ang communication namin ni Juan. Halos every minute niya na ata akong minemessage, minsan ay tumatawag din siya. Okay lang naman for me kasi ang saya niyang kausap. I think I'm starting to fall for him.
Pero andun pa rin yung takot ko kasi bata pa ako and most of my cousins ay nagkakaroon ng relationship after their eighteenth birthday.
I don't know if this is wrong but one thing's for sure. I'm happy. Masaya ako sa tuwing kausap ko siya. Palalim na rin ng palalim yung pagkakakilala ko sa kaniya.
He's so charming lalo na yung mga ngiti at tawa niya sa tuwing bumabanat siya ng crappy jokes. Walang boring na seconds kapag kausap ko siya. Hindi kami nawawalan ng topic kahit na kung ano ano lang pinag uusapan namin. Ang mahalaga naman ay masaya kaming nag uusap at na eenjoy namin yung company ng isa't isa
Halos nga araw araw na kaming magkausap eh. Kahit na pareho kaming may tumutulong sa paghahanda para sa Christmas.
Kasalukuyang andito kami sa food fair sa town nila lola kasama ko mga pinsan ko. Nag i stroll lang kami, minsan lang din kasi kami makapunta dito. Umuuwi lang kami dito pag may mga occasions.
Habang hinihintay namin ang pagkain na inorder namin ay katext ko lang si Juan. Kwinekwento niya yung mga ginagawa niya kaya naman kwinekwento ko lang din sakaniya yung nga ginagawa ko at kung saan kami pumupunta. Minsan lang talaga mapapatawa nalang ako sa mga banat niyang jokes kaya minsan napapansin ng mga pinsan ko.
"Akiesha may boyfriend ka na ano?" tanong ni kuya Theo sa akin, siya yung pinaka close kong lalaking pinsan. Siya rin yung pinakamabait.
"Luh? wala po" sagot ko naman
"weh? eh bakit nakangiti ka habang nag ce cellphone?"
"wala nakakatawa lang kaya yung mga memes" palusot ko nalang
"eh manliligaw?"
"wala din, si Kuya kung ano ano pinag tatanong"
"weh? sige na sabihin mo na, hindi ko isusumbong sa mga kapatid mo, promise"
"wala Kuya" sagot ko naman, totoo naman diba? hindi naman nanliligaw si Juan sa akin eh. Basta nag-uusap lang kami. Hindi naman niya sinabi na nanliligaw siya.
"wala namang masama sa pag bo-boyfriend eh basta alam niyo lang yung limitations niyo kasi mga bata pa kayo, kaya din protective Kuya mo sainyo" sabi niya.
I always know my limitations, Its always on my mind. Hindi man ako nagsasabi sa parents ko but I am responsible enough to know my limitations. Kahit na sobrang saya at fun ng moment I know when to stop.
Pagkauwi namin sa bahay ay nag stay lang ako sa kwarto namin ni Ate para magpahinga. Tumatawag din kasi si Juan.
"kelan ka uuwi?" tanong niya
"sa 28 daw eh, ilang araw pa" sagot ko naman.
"pag-uwi mo mag dagat ulit tayo?" tanong niya naman. Namimiss ko na din ang dagat. Ilang araw ko na ring di nakikita eh.
"sige ba" sang ayon ko naman.
Nag usap lang kami about certain things.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...