14

1 1 0
                                    

"Hoy Akiesha may nahulog sa bag mo" sabi naman ni Charles nong naglalakad kami para humanap ng kainan. Manlilibre daw kasi silang lima.


Kita ko naman ang envelope na may sticker gaya ng mga natatanggap ko. Dinampot ko agad nakakahiya kasi baka makita nila Matt, Luke at Basti. May konting hiya pa naman ako sa kanila hahahaha


Feeling ko kasi aasarin lang ako ng mga ang lakas pa naman nilang mag asar minsan nakakapikon.


"Bakit wala pala si Tin?" Charles


"Ewan ko dun ngayon lang din siya hindi present sa game niyo, inaya namin kanina kaso ayaw naman" Mich


"Nakita ko siya may kasamang iba kanina, nanood kaso nung tapos na ang game wala na di ko na nakita." Luke


"Kahapon nga inaasar ko siya inirapan lang ba ako, pikon amp. Anong nangyari don?" Elmer


"Bahala siya ha, wala naman sa atin ang nakatampuhan niya, baka nababaliw'" Iza


Pumunta pala siya dito wala man lang siyang update sa amin. Hays ano ba nangyayari kay Tin.


"Dear Laureign,

Alam mo ba sobrang saya ko ngayon na alam kong nasa paligid lang kita.
Sobrang saya ko talaga na kinakabahan.
Ang saya ko kasi pakiramdam ko sa wakas ay pareho na tayo ng mundong ginagalawan.
Gagalingan ko para saiyo.
Para saiyo lahat ng gagawin ko ngayon.
Nakaka-energize kasi ang pagmasdan ka.
I love you Laureign.
Kita tayo bukas sa coffeeshop sa school 6pm.
See you soonest <3

Always,
"J""


"Shet bakit ang bilis naman. Bukas na agad?" tanong ko kay Iza pagkatapos naming basahin ang sulat dito sa bahay. Dito kami dumiretso kasi kukunin niya yung notes niya na kinopya ko kahapon.


"Diba gusto mo din ito sis? Ito na oh, tsaka hello mag iisang buwan ka na rin niyang sinusulatan" Iza


"Pero parang kailan lang, bakla kinakabahan ako. Pupunta ba ako?"


"Aba malamang oo! Ito na yun ghorl punta ka na. Samahan ba kita?"


"Huwag na, kaya ko naman kaso bakla kinakabahan talaga ako."


Sa totoo lang gusto kong magpasama pero kasi feeling ko ang awkward at ayaw ko ding makita ni Iza yung awkwardness namin kasi for sure awkward talaga lalo na't di naman namin kilala yung isa't isa. Feeling ko mapapahiya lang ako kay Iza.


"Bat ka kakabahan dapat nga siya yung kabahan eh kasi siya yung sumusulat. Infairness ha! Ang tagal ka niyang sinusulatan tsaka every school days talaga, walang palya kahit absent ka o may meeting sa org. Ibig sabihin non totoo ang nararamdaman niya sayo."


"Oo na! bahala na jan. Basta huwag mo munang sasabihin sa apat baka mamaya kasi pinag ti tripan lang ako ng "J" na ito.


"Ang nega mo, hindi yan"


Nung umalis na si bakla at mag-isa ko nalang sa kwarto ko ay napagdesisyunan ko ng matulog. Kung ano anong pwesto na ang triny ko kaso sis di ako makatulog.


Laging sumisiksik sa isip ko ang "J" na iyan. Ayaw niyang mawala sa isip ko. Na-iimagine ko din kung ano ang mga pwedeng mangyari bukas. Hays ba't naman ganon.


Pano pag hindi ko siya bet?


Paano kung pinagti tripan lang pala ako?


Hays hindi ko alam. Di ko tuloy mapigilang sumigaw sa excitement, tuwa at frustration na nararamdaman ko ngayon. Bakit naman ganito kasi "J"


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon