Nong hapon na at naghihintay pa kami sa last subject namin ay tinignan ko ang desk ko kung may letter ba pero wala naman akong nakita. Nakaka-intriga talaga kung sino siya.
Lumabas muna kami ng classroom para tumambay. Nasa labas din kasi ang mga kaklase namin. Nakaupo sila sa square tables para panoorin ang naglalaro ng volleyball.
"Tin, iyon ba yung bebe mo?" Mich
"Lah? anong bebe di kaya, ang ingay ingay niyo baka marinig kayo. Nakakahiya" Tin
"Cheer mo naman para ganahan maglaro hahahaha" Ako
"Spike mo para kay Tiiii---"
Hindi na natuloy ni Elmer ang sasabihin niya kasi tinakpan ni Tin ang bunganga niya sabay suntok.
"Hayop ka talaga Elmer nakakahiya ka!" Tin
"Di naman ikaw yun eh, Tita dapat yun eh. Yung mama niya para maging proud yung mama niya. Mapanakit ka!" Elmer
"Buti sayo yan, kalalaking tao andaldal" Tin
Nang bigla namang pumunta sa akin ang kaklase kong lalaki na si Mark.
"Akiesha may nagpapabigay ng sulat sayo" Mark, sabay lahad sa akin ng envelope na may sticker. Kagaya ulit ng mga envelopes na natatanggap ko dati.
"Infairness consistent ang pagpapadala ng sulat. Effort effort naman niyan, sana all talaga!" Iza
Agad ko namang kinuha ang envelope para di na mapansin ng mga kaklase ko. Nakatingin na kasi silang lahat sa amin at nakakahiya, baka mamaya ma issue pa ako.
Ang ayaw na ayaw ko sa lahat yung nagiging center of attention, ewan ko ba nakakahiya na nakaka anxious. Di ako sanay
"kanino galing?" Ako
"ewan di ko naman kilala iyon, taga senior high. Ewan ko pero parang STEM ang ID lace niya" Mark
"Ano itsura niya? di mo napansin pangalan niya?" Ako
"Wala, hindi na. Hindi naman ako interesado" Masungit namang sabi ni Mark sa akin.
"Sungit mo naman" Ako
"Badtrip lang talaga ako ngayong araw" Mark
"Dinamay mo pa ako" Ako
Kainis naman si Mark, bawal na ba magtanong ngayon? Nadamay pa ako sa inis niya. Inirapan ko nalang tuloy. Pangit ng ugali.
"Sis confirm na yan, STEM talaga yan" Iza
"So? di ko naman kilala. Naiinis na din ako. Padala ng padala ng sulat di naman nagpapakilala" Ako
Nakakafrustrate kaya hays.
"Wait ka lang" Mich
"Pag ako pinagloloko neto susuntukin ko to" Ako
"Taray! feel mo talaga niloloko ka? Pano pag totoo ngang niloloko ka?" Tin
"So? wala akong paki! Di naman ako umaasa eh. Tsaka ang duwag."
"baka nga niloloko ka lang" Tin
"Lah? Bitter mo naman Tin!" Mich
"Char lang gaga" Tin
Nung wala na kaming mahintay na subject teacher kinuha na namin ang bag namin at lumabas na ng room. Hinatid nalang din namin sa court ang bag nina Elmer at Charles.

BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...