Ibang klase talaga ang simoy ng hangin sa dagat. Napaka payapa, lalo na't kakaunti na ang mga tao at marami na ring mga ibon ang nag iingay sa paligid.
Umupo kami sa dalampasigan para pagmasdan ang mga alon. Walang nagsasalita sa amin. Tanging ang tunog ng tubig. na humahampas sa dalampasigan lang ang naririnig namin.
"salamat kanina suporta mo ha. Thank you" sabi niya habang nakangiti.
Ano bang sekreto ng ngiti niya kung bakit parang kaya nitong haplusin yung puso ko.
"thank you din sa support mo sakin" sabi ko naman.
"ang tamlay mo naman"
"hindi aa" sagot ko.
"Sorry na, huwag ka ng magalit. Hindi ko naman alam na huhulihin kami eh. Hindi ko nga kilala yun. Di kami nag uusap kanina sa booth" hindi ko alam kung bakit nagpapaliwanag siya
"okay lang, bakit naman ako magagalit?" natatawang sabi ko sa kaniya
Bakit nga ba ako magagalit? ano ba kami? wala naman diba? wala akong karapatan, baka nga nag a assume lang talaga ako kahit na ang totoo naman ay magkaibigan lang talaga kami.
"Alam ko galit ka eh." pangungulit niya
"Hindi nga"
Tinignan niya ako na para bang ino-obserahan niya yung facial expressions ko. Parang naghahanap siya ng gesture ko para mapatunayan niyang galit ako.
"Sige na kasi, tatanggapin ko naman eh kaysa ganito ka hindi tayo nag uusap"
"Bakit naman ako magagalit? wala naman akong karapatan?"
Maski ako ay nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Nahiya tuloy ako sa posibleng isipin. niya pero wala na akong magagawa nasabi ko na eh. Hindi ko na maibabalik.
"Bibigyan kita ng karapatan. Ikaw lang naman eh. Ikaw na lang din kinakausap ko."
Hindi ko alam kung ano ang i rereact ko. Masyado akong na i overwhelm sa mga nangyayari. Nakatingin lang ako sa kaniya the whole time, hindi alam kung anong sasabihin o gagawin.
Nilabas niya ang phone niya at binigay niya sa akin. Nasa may messages na yung phone niya. Wala akong nakita na ibang nakakatext niya. Sila Elmer, Charles, Matt, Luke, Mama niya, Lola niya, may isa ding lalaki pero nakita ko yung convo nila na insan ang tawagan.
Iniscroll ko yung conversation at doon lang ako nakakita ng babae na nagchachat sa kaniya
"Hi Kuya favor naman" yan yung nasa display sa conversation nila, ayoko namang buksan yung whole conversation kasi feeling ko iniinvade ko na yung privacy niya, kahit na curious din ako sa pinag uusapan nila.
"Eh eto Chloe sino to?" tanong ko naman
"Hindi ko alam kung napapansin mo yung kasama nila Tin na matangkad. Yung kaibigan ni Tin, yung medyo singkit din na matangkad. Pinsan ko yun." paliwanag niya.
Naalala ko din naman na nabanggit niya na pinsan nga daw niya yung mga kaibigan ni Tin.
"Sa messenger pa tignan mo kung meron akong nakakausap." kinuha niya muli yung yung phone niya sakin at pinakita yung mga nakakachat niya. Usually naman gc mga tropa niyang lalaki. Mama niya ganon.
"Ang dami mong message request oh!" sabi ko naman sa kaniya. Napaka famous naman ng lalaking to. Pakiramdam ko tuloy hindi ako bagay sa mundo niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...