31

1 1 0
                                    

"Reign, thank you" sabi ni Juan sabay turo sa towel at tumbler na bigay ko sa kaniya habang naglalakad kami para humanap ng makakainan


"welcome" sabay bigay ng pinakamatamis kong ngiti sa kaniya. Sa totoo lang napaka proud ko sakaniya. Ang talented niyang tao, samantalang ako di ako sure sa mga desisyon ko sa buhay. Napagsasabay niya yung pagpupursue niya sa dreams niya at yung hobbies niya.


Dalawang buwan nalang matatapos na iyong school year. Dumating na rin yung results ng exam namin at tanggap kaming lahat. Andito kami sa park malapit sa school dahil dito namin binuksan yung letter mula sa school na papasukan namin next school year.


Masayang masaya naman sina Mich at Elmer dahil hindi na nila kailangang maghiwalay ng school. Happy din kami para sa kanila. Sabi pa nga ni Elmer ay sabay daw nilang abutin iyong pangarap nila ng magkasama. Nakaka proud naman, ang sweet nila grabe. Hindi sila iyong landi landi lang, pareho silang may goals at makikita mo sa kanila yung eagerness na mareach yun ng magkasama sila.


Sabay silang nag grow together at kahit na nakita na nila yung bad sides ng isa't isa ay nag i stay pa rin sila.


I won't lie, noon sumagi din sa isip ko na sana one day I will find someone like them. Yung mature love na meron sila.


"Guys di ako tutuloy sa dream university natin, mag i stay na ako dito sa school" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Tin. Pangako kasi namin na kahit ibat iba kami ng dreams ay okay lang basta nasa iisang university kami at sama sama kami.


"halla bakit?" malungkot kong tanong sa kaniya, kasi naman kasama ko na sila ng mahabang taon tapos parang mababawasan pa kami


"wala lang desisyon ko lang" sabi niya


"ayaw naming maiwan ka dito, diba sabay sabay nga tayong ga graduate diba?" sabi naman sa kaniya ni Charles


"huwag kayong mag alala my mga kasama naman ako dito eh, okay lang iyan" sabi naman ni Tin


Napapansin talaga namin na parang may something na mali kay Tin kasi hindi naman siya ganon eh. Hindi din naman namin ma point out kung ano iyon. Madalas na siyang wala sa mga lakad ng barkada at kung kasama naman namin siya ay tahimik lang siya. Hindi na siya nangunguna sa panti trip ganon. Minsan nga ay kung hindi pa namin siya kakausapin ay hindi na rin niya kami kakausapin. Madalas hindi na rin siya nagpapaalam sa amin kapag sumasama siya sa iba niyang kaibigan which is hindi natural sa kaniya yun.


Parang hindi na siya yung Tin na nakilala namin noon. Nalungkot lang kaming naiwan dito sa Park kasi pinuntahan daw ni Tin yung ibang kaibigan niya samantalang kami ay hinihintay namin sina Matt, Luke at Juan para bumili ng babaunin namin sa fieldtrip namin sa isang museum at sa EK. Tanging grade 9, 10 at 11 lang ang sumali dahil ang 7 at 8 ay masyado pa daw bata at ang grade 12 naman ay busy daw sila kaya naman 3 years lang ang nakasali.


Buti nalang at iisang bus lang kami nina Juan, pero iniisip nanaman namin si Tin dahil hindi daw namin siya ka seat, sa ibang bus kasi siya nagpalista kasama ng ibang kaibigan niya.


Pagkatapos naming mamili ay hinatid ako ni Juan pauwi. Naglakad lang kami para na rin makapag usap kami habang naglalakad. Gusto niya din daw masulit yung time na kasama niya ako kaya naman ay inaya ko nalang siya na antayin ang sunset sa dagat.


"Nakapasa ka ba doon sa University na binabalak niyo? sabi kasi nina Charles nakapasa daw siya eh" tanong niya naman habang nakaupo lang kami sa may buhanginan sa may dalampasigan.


"fortunately oo, lahat naman kami nakapasa kaso si Tin daw hindi na tutuloy"


"Ah oo daw kasama niya yung pinsan ko, dito lang daw sila eh"


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon