Kinabukasan ay maaga kaming pumunta kila Iza. Doon kasi kaming mag-aayos nina Mich at Tin. Doon na rin kami mag aayos for Christmas Ball sa gabi at siguro ay doon na rin kami mag o overnight.
Noon pa man ganito na sila eh. Kapag may mga event sa school nag i sleep over sila dito sa bahay nina Iza at ako naman na hindi sumasali sa mga events ay sa bahay lang.
Nagpa late kami nina Iza kasi ayaw naming mag ayos pag dating sa room. Samantalang ay nauna na doon sila Charles at Elmer.
"Kiesha, a attend ka mamaya ha? partner mo pa ata si Basti eh" Mich
"hindi man feel ko nga eh nagtatampo or galit siya kasi feel ko na hindi an ko siya, ewan ko ba. Huwag niyo nga ipaalala sa akin kasi kinakabahan ako sis"
"eto naman mabait naman si Basti eh, ang effort niya kaya sis" Iza
"eh feel ko nga ang bata ko pa pano pag sabihin nila sa bahay na bawal pa nga ako mag boy friend tapos ang aga kong lumandi" sagot ko naman
"Ako nga sis, edi magpaalam kayo ng maayos kila tita. Feel ko mabait naman si tita eh tsaka hindi naman porket bibigyan mo ng chance yung tao eh magiging boyfriend na agad" Mich
"Oo nga ikaw ha masyado kang advance mag isip, aminin mo nga. Gusto mo na rin siya no? kita ko rin yung tingin mo sa kaniya nong nag arcade tayo kasama sila eh. Sis okay lang naman yan eh." Iza
"Kaya nga malay mo maaga lang kayong pinag tagpo. Mamaya makuha pa iyan ng iba ikaw rin. Mabait naman siya eh. mukhang mapagkakatiwalaan. Sis kilala ko si Elmer ayaw niya ng mayayabang na tao tsaka mapili siya ng kaibigan kaya feeling ko naman matino si Basti eh. Honor student nga siya eh." Mich
"Alam mo sis kung ako sa iyo bigyan mo na ng chance, bagay naman kayo eh. Pano pag malalaman mo lang na gusto mo na pala siya pero nasa iba na. Ikaw din" Iza
Natahimik nalang din naman ako. Bakit parang kilalang kilala na nila si Basti. Bahala na nga diyan. Tatansyahin ko muna yung nararamdaman ko. Ayaw ko din kasing magsisi in the end.
"Eh Mich paano mo ba nalaman na gusto mo na si Elmer?" tanong ko naman kay Mich, wala lang curious lang ako
"Nung napapasaya niya ako, nung nabubuo niya yung araw ko tapos gusto ko lagi ko siyang nakikita tapos ayaw ko siyang makita ng may kasamang iba" Mich.
Hay naku bahala na talaga diyan.
Nang dumating kami sa school ay sakto namang palaro na kaya ay sumali kaming anim. Partner ko si Iza, si Mich naman at Tin tapos ay sina Charles at Elmer sa pasahan ng itlog. Ingat na ingat kami kasi wala kaming dalang damit kung sakaling mapisa ang itlog sa kamay namin.
Habang palayo ng palayo ay pakaba din kami ng pakaba. Kabado din yung ibang participants. Unang natalo sina Charles at Elmer, ang haharot kasi paano ba naman. Kami naman ni Iza ang sunod nakaka tense kasi eh, nanalo naman sina Mich at Tin. Competitive hahahaha.
Naglaro din kami ng iba pang laro gaya ng longest line na panalo ang boys vs. sa girls kasi naman mas madami silang gamit.
Nung mapagod na kami ay pumasok na kami ng room at nag videoke nalang. Nagmistulang concert naman yung room namin kasi sumasabay kami sa kumakanta.
Pagkatapos kumain naman ay nag exchange gift na kami.
Umuwi na din kami sa bahay nina Iza para magpahinga muna saglit sumama din sa amin sina Elmer, Charles, Mat, and Luke para sabay sabay na daw kami pumunta sa venue mamaya.

BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...