Bukas na ang Christmas Party at Christmas Ball sa school at andito kami ngayon kila Iza. Ngayon kasi kami mag e exchange gift nina Iza, Tin, Mich, Elmer at Charles.
Nag-order lang kami ng Pizza, Spaghetti, cake, wings at may kaunting inuman pero hindi ako sumali. Alam ko kasing magagalit parents ko pag nalaman nila. Ayaw ko ding sirain yung tiwala ni Papa sa akin.
Tsaka what I like about our friendship is that we know our limitations, we respect each others family and we know that we got each others back in any circumstances. We fight a lot way back then but in the end we still run each other.
Ganon naman talaga sa friendship eh. Hindi naman laging masaya lang and almost all of the challenges that we face makes our bond stronger.
Nag-exchange gift lang din kami at buti nalang at nagustuhan nila yung gift ko sakanila. Nagkantahan kami at nag-inuman sila samantalang ako naman ay nakikipag kwentuhan lang.
Porket kasi sinasabing inuman ay akala nila ay lasingan lang di nila alam bonding iyon, doon solid ang kwentuhan. Mas mabuti nalang din na kami kami lang since we've known each others since childhood.
Biglang nag ring yung phone ko at may tumatawag na unknown number. Since di ko alam kung sino iyon ay di ko sinagot, pero napansin pala ni Iza iyon.
"Kiesha sino yun?" Iza
"unknown number eh, kaya di ko sinagot. Malay ko ba kung sino yun"
"anong last number?" Charles
"647"
"si Basti yan, binigay ko number mo kanina, sorry. May itatanong daw siya eh" Elmer
"kayo talaga parang binebenta niyo ako sakaniya, ayaw niyo na ata akong friend eh. Pinabibibigay niyo na ba ako sa kaniya?" pambibiro ko naman
"mabait naman siya eh, diba nga ginawa niya lahat para makausap ka niya at makilala. Lagi ka nga daw niyang kwinekwento kila Luke at Mat eh" Elmer.
"wala pa ngang year na kilala niyo siya pinagkakatiwalaan niyo na agad, pano pag in the end pinag ti tripan niya lang pala ako? edi ako yung napahiya?" tanong ko sakanila
"Matagal ka na nga daw niyang gusto eh thankful nga daw siya kasi nalaman niya na magbabarkada tayo non nung nanood kayo ng practice namin, tapos nagpaalam siya kung pwede ba daw ba namin na ilakad siya kako naman syempre ayaw ko pa nung una kasi naisip din namin yang iniisip mo" Charles
"sana all, sana all pinapaalam sa friends, ako kaya when?" Iza
"Oo tapos nung nakakasama na namin siya tapos nakikita namin na maayos naman siya kaya pinayagan na rin namin. Kung alam mo lang kung gaano siya kasaya nung sa game namin sa ibang school na chine-cheer mo siya" Elmer
"napaka ganda talaga ng bestfriend ko, wala na may nanalo na HAHAHAHAHA, pero alam mo nakikita ko rin na totoo yung nararamdaman niya. Diba isipin mo halos lagi silang sumasabay sa atin sa lunch, tsaka sa mga lakad natin sumasama siya minsan kahit mag isa siya" Iza
"Oo tapos yung tingin niya sayo grabe nakakakilig tapos ikaw naman sinusungit sungitan mo pa, akala niya nong nag walk out ka galit ka sakanya. Sabi ko nalang na ganon ka talaga hahahaha, pero sis bigyan mo kaya siya ng chance" Mich
"Ikaw Tin anong masasabi mo?" biro naman ni Iza
Uminom lang siya bago siya nagsalita, nakakapanibago din itong si Tin na parang ang tahimik na niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...