"Lagi ka nalang ganyan, nakakasawa na! Lagi nalang tayong ganito. Napapagod na akong makisama sa iyo. Akala mo ba madali sa akin lahat ng to? Kung ikaw madali sa iyo. O di sige, ito gusto mo? Gusto mo malaya mong gagawin lahat ng gusto mo? Sige maghiwalay nalang tayo!"
"Di madali sa akin ito, kumalma ka nga. Walang maghihiwalay"
"Hindi! Mas mabuti nalang mag kanya-kanya na tayo"
"Pagod na ako, pagod na pagod na ako sa iyo" dagdag ni Mommy
Nakakapang lambot ng tuhod yung mga naririnig ko mula sa mga magulang ko. Minsan na nga lang kami makompleto ganito pa. Puro away. Sa lahat din ng away nila hindi ko alam kung ano ang dahilan. Ayaw nilang sabihin sa akin. Hindi ko din alam kung alam ba ng mga kapatid ko. Pero ito na ata ang pinaka malala nilang away. Naghahamon na si Mommy na maghiwalay na sila.
Yung pakiramdam na pagod na pagod ka na sa school tapos akala mo makakapagpahinga ka na pagkauwi mo kaso gaintong eksena pa pala ang madadatnan ko
Ang sakit lang na kung kailan kami lumaki don naman sila maghihiwalay. Parang di ko yata kaya.
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Buti nalang nakatago ako sa pintuan. Ang sakit sakit ng mga naririnig ko.
Ako yung bunso at ako din yung nakasama nilang dalawa ng mas matagal kasi noong mga bata pa mga kapatid ko ay nagtrabaho sila sa ibang bansa. Noong nagkaroon na ng ako after few years tsaka lang nagdesisyon na dito nalang sa Pilipinas magtrabaho.
Agad akong tumakbo sa kwarto naming magkakapatid pero wala si Ate, nasa dorm nga pala siya. Si Kuya naman nasa trabaho pa.
Dali dali akong kumuha ng kumot at tumakbo pabalik sa dagat habang umaagos ang luha ko.
Napaupo ako sa buhanginan. Tinukod ko ang siko ko sa paa ko at tinakpan ko ang mukha ko. Ewan ko kung may tao ba dito ngayon, kung may nakakakita ba sa akin, pero wala na akong pakialam. Di ko mapigilan ng sarili ko. Iyak lang ako ng iyak.
Ayaw tumigil ng mata ko kaluluha. Ang bigat bigat din ng dibdib ko. Di ko lubos maisip na iyon ang madadatnan ko sa bahay. Di ko din alam kung ano nga ba ang dahilan kung bakit sila nagkakaganon.
Growing up never kong nalaman kung ano yung mga bagay na pinag aawayan nila at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam. Ang alam ko lang nag aaway sila.
Di ko mapigilang mag overthink. Paano kung maghiwalay nga sila. Paano kung di ko na makita si Daddy. Daddy's girl pa naman ako.
Ngayon na nga lang ulit dumating si Daddy tapos ganon pa. Paano pag papipiliin naming tatlo kung kanino kami sasama? Paano kung pati kaming magkakapatid ay magkahiwalay na din kasi iba iba ang pipiliin namin?
Ang bigat sa dibdib. Hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano. Never kong naisip na maghihiwalay sila. Never kong na picture sa isip ko kung paano kaming magkakapatid. Ako pa naman ang pinakabata.
I thought maganda kapag ikaw yung bunso kasi ikaw yung favorite ng lahat but growing up, I never been my mom's favorite and now na naaabot na ng mga kapatid ko yung mga pangarap nila, ako nalang ang naiiwan sa bahay.
Minsan nalang din kami magkita kita. Kaya ang lungkot lang.
Humiga ako sa nilatag kong kumot habang nakamasid kalangitan. Ang daming stars pero kahit gaano sila kadami hindi pa rin nila maliwanagan ang isipan ko sa mga oras na ito.
Nakatulala lang akong pinagmamasdan ang kalangitan. Hindi pa din tumitigil ang pag agos ng mga luha ko.
Wala pa akong balak umuwi. Hindi ko alam kung gusto ko pang umuwi, baka mamaya ganon ang madatnan ko. Sasama lang ang loob ko.

BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...