3

6 1 0
                                    

Pagdating ko sa bahay agad naman akong naligo at inayos ang table ko para mag-aral. Gusto ko talagang makapasa sa SCA eh. Hindi ko pa rin kasi na oopen up sa parents ko yung pag pu-pursue ko ng Mass Communication.


Sinuot ko naman ang reading glasses ko para maghanda ng mag-review, nang kumatok si Kuya


"Laureign o mga possible questionnaires daw sa PUPCET"


"San mo kinuha?"


"Sa kakilala ko lang may kapatid kasi siyang nag-aaral sa PUP tsaka yang isa sa National Book Store lang nagpabili kasi si Leanne ng book, binilhan na din kita"


"Wow naman apaka thoughtful"


"Ako pa ba?"


I think that's the best thing when you have elder siblings, you become their favorite, and I'm grateful to have them.


Pinagpatuloy ko nalang ang pag rereview ko. I desidido na talaga ako sa pag take ng Mass Communication so dapat pag nag HUMSS ako, kailangan din na medyo ayusin ko ang pag-aaral ko, para payagan akong mag masscomm soon.


I want my parents to be proud of me. I want to be relevant for them.

--

Kinabukasan naman pumunta kami ni Tin at Iza sa dagat malapit sa subdivision namin. Ito yung makikita sa end ng subdivision namin ang siguro mostly ng taga subdivision di pa alam ito mejo liblib kasi siya pero malinis naman. Ang maganda lang dito eh very peaceful.


Sa aming tatlo ako ang nakadiscover nito. Isang hapon kasi I feel so down and ayaw kong manatili sa bahay because I don't want to bother my siblings kaya naglakad lakad ako, at dito ako dinala ng mga paa ko.


Hanggang sa naging safe haven ko na ito. Andito ako pag walang pasok, o kaya naman ay sa tuwing problemado at nalulungkot ako. Dito lang ako pumupunta at kumakalma. Dito ang takbuhan ko mapa hapon man o gabi. Naging routine ko na iyon. I just want to appreciate the beauty in every endings. Na kahit gaano man kasama ang araw ko ay temporary lang ito. Matatapos din ang araw at pwede ka na magpahinga, pwede ka na kumalma ang remember that I need to rise like the sun in every sunrise.


There's a new chance to make the wrong one's right. We just need the courage to get up.


Andito kami ngayon para magreview, at magbasa ng books habang nakasandal sa mga puno. Lahat kami ay tahimik lang na nagbabasa at ine-enjoy yung katahimikan at preskong hangin. Walang nagsasalita.


Hanggang sa dumating na ang unti-unting paglubog ng araw na senyales na patapos na ang araw na ito at pwede ng magpahinga para magkaroon ng lakas harapin ang panibagong hamon ng buhay bukas.


Inilabas ko ang aking cellphone para i-video ang unti unting paghalik ng araw sa dagat at ang unti unting pagpapalit ng kulay ng ulap.


"I will forever be excited whenever the skies were in different colors."


Noong unti-unting dumidilim na ang kapaligiran ay nagkayayaan na kaming umuwi


"Goodluck sa atin girls, galingan natin sa entrance exam, konting push nalang maaabot na natin ang mga pangarap natin" Iza


"Oo naman laban lang, basta ha sabay sabay tayong mag te-take ng exam at dapat same school para masaya" Tin


"Syempre no, wala dapat iwanan" sabi ko naman.


Umuwi na rin ako sa bahay para sabay sabay kaming kumain ng family ko.


Nag ayos na kami ni Mama sa hapag at pagkatapos non ay tinawag ko na rin ang mga kapatid ko para sabay sabay kaming kakain.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon