Second day ng Foundation Day namin ngayon kaya naman ay kailangang maaga nanaman kaming pumasok lalo na kaming mga players. Kahit na hindi na ako kasama sa team ng school namin ay sa kasali naman ako sa year namin.
Ang magkakalaban kasi ay per year at pati ang mga senior high
Sinundo ako nina Charles at Elmer kasi dapat daw ang players ang mauuna, magpa practice pa kasi kami.
Pumunta naman kami ng gym sabi ng coaches namin kasi daw doon ang practice.
Kaunti lang ang tao sa gym mga senior high lang kasi sked pa nilang mag practice tapos kami naman ang last before mag start yung competition.
Naupo kami nina Charles at Elmer sa bench ng senior high kasi syempre mga team mate sila kaya no choice na sumama ako kahit na hindi ko masyadong close yung ibang ka team nila.
Naglagay nalang ako ng bandage sa kamay ay tuhod ko para safe akong maglaro ng badminton mamaya samantalang tong mga kasama ko naman ay isinusuot na nila yung mga sapatos nila.
Maya maya biglang may tumabi sa akin. Medyo gulat ako kaya naman nilingon ko kung sino
Si Juan Sebastian lang pala
"ako na maglalagay sa kamay mo para mejo mahigpit" Juan
"baka baliin mo lang eh, takot mong matalo ko manok niyo" biro ko naman
"i che cheer kita para ikaw manalo, ikaw kaya manok ko"
Natawa nalang ako sa biro niya, kainis talaga to ang daming alam.
Kinuha niya yung left hand ko para siya na maglagay ng bandage doon pagkatapos naman ay yung right hand ko naman.
"Anong oras laro mo?" tanong niya sakin
"Umaga tapos kung mananalo hanggang 2pm siguro"
"Buti nalang mapapanood mo pa ako"
"Ewan ko nga kung mapapanood ko sila Elmer eh"
"Uy uy Basti huwag kang nang aagaw ng taga cheer dito, doon ka sa senior high maghanap" pambibiro ni Charles
"Gago" Basti
After mag practice ng senior high ay nagsimula na ang practice ng basketball team namin at lumabas na ako dahil sa social hall nalang daw kami maglalaro, kainis wala naman palang practice ang aga aga ko pa namang gumising. Nakakabad mood tuloy
Sabay kaming naglakad ni Juan Sebastian papunta sa social hall kasi manonood daw siya.
Na pressure tuloy ako bigla. Dati sanay lang ako na mga friends ko lang ang nanonood sa akin sa tuwing naglalaro ako pero ngayon nadagdagan na ng Juan Sebastian.
Unang kalaban ko kasi ay ang kung sinong nanalo sa grade 12 tapos kapag nanalo sa lower years naman.
"Ako na magbabantay ng gamit mo" Juan Sebastian
"eh? diba maglalaro pa kayo?" sagot ko naman. Eto talaga apakakulit nagpa practice na ata mga kasama niya eh
"hindi ginagamit na yung gym, meeting lang ata"
Iniwan ko nalang din sakanya kasi magsisimula na pala yung laro.
Noong nag start na yung game ay as in kinakabahan ako sa thought na nanonood si Juan Sebastian kasi naman hindi talaga ako sanay
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...