26

1 1 0
                                    

"Ops it's reigning" Sebastian, pagkalabas kasi namin sa venue ay umuulan, heto nanaman ang mga banat niyang ang corny corny.


"alam mo ang corny mo, hindi naman ulan ang ibig sabihin ng pangalan ko eh" sabi ko sakanya.


At dahil wala kaming payong ay sumuklob kami sa coat niya patawid sa 7/11 para maghintay ng sundo.


Umupo kami sa pinaka dulo na medyo malayo kina Iza. Kaming dalawa lang sa table namin at buti naman ay di na nila kami inasar. Bumili lang siya ng kape para di kami lamigin, basa rin kasi siya.


"thank you! congrats nga pala kanina, dancer ka rin pala ha" pambibiro ko sakanya


"thank you, nanood ka kasi kaya panalo" siya


"epal naman neto, sana all talented"


"ako lang to ah" pambibiro niya natawa tuloy kaming pareho


Uminom lang ako ng kape samantalang siya ay nakahalumbaba sa lamesa namin habang hawak yung phone niya. Hindi ko alam ay pinipicturan niya na pala ako.


"Hoy Juan Sebastian idelete mo yan" saway ko sakanya.


"grabe naman sa Juan Sebastian pwede namang Basti nalang eh, ang pangit ng pangalan ko" sabi niya sa akin


"ang unique kaya, kainis akala ko talaga Basti lang pangalan mo non eh"


"Nickname ko yun, kakaunti lang din tumatawag sa akin ng Sebastian tapos family ko lang tumatawag sa akin ng Juan kaya pag may tumawag sa aking Juan, ibig sabihin malapit sa akin yun."


"eh bakit parang ayaw mo magpatawag ng ganon?"


"Sige na ng kung ikaw tatawag okay lang" ang hilig hilig niya talaga akong asarin. Nakakainis lalo na kapag ngumingiti siya napapangiti din tuloy ako.


Parang gusto ko nalang din hayaan yung sarili kong sumabay sa agos. Sabi nga nila sailing without a map might be scary and dangerous but when you're with someone you trust it'll be fun. Siguro kikilalanin ko muna siya ng mabuti to know if mapagkakatiwalaan ko ba siya.


but di rin naman siya humihingi ng chance, or nanliligaw so hindi ko rin alam kung paano kami. Oo napapasaya niya ako most of the times kahit na pinipigilan ko yung sarili ko na huwag ma attract sa kaniya.


Basta kahit gaano niya ako napapasaya ay kailangan ko pa ring i maintain yung walls ko para naman if ever na may something bad na mangyari ay may walls pa rin na pro protekta sa akin.


Minsan humahanga din ako sa relationship nila Mich kasi even when they're still young alam mo talaga na seryoso sila sa isa't isa. Minsan kahit wala si Mich at tinetest namin si Elmer hindi siya nadadala sa amin lagi niyang sinasabi na "mali yon" or "magagalit si Mich" ayaw niya daw na nag aaway silang dalawa.


Napatingin naman ako kay Juan Sebastian at sa tuwing magkakatapat ang mga mata namin ay ngumingiti lang kami sa isa't isa pareho. Dapat ba akong kabahan kasi napapasaya niya na ako?


Naunang dumating yung sundo niya bago yung sundo ko pero sabi niya hihintayin niya pa daw na makauwi ako. Siguro totoo nga yung sinasabi nila Luke na gentlemen siya. Nakikita ko din kung paano niya itreat yung mga kaklase niya kanina, napapaisip rin tuloy ako na baka sweet lang talaga siya sa lahat binibigyan ko lang ng malisya


Hay naku Alvarez bakit mo ba ako pinapaisip ng ganito.


"san ka pala magbabakasyon Reign?" tanong niya naman out of nowhere


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon