After a long time of struggling academically, finally, semestral break na namin.
Napagdesisyonan din nila Iza at Matt na magkita naman daw kami kasi ilang months na rin simula nong last kaming nagkita kita.
It's been a long time since I saw him and I don't know what will happen if we will meet again. Isa siguro to sa mga disadvantage ng nasa iisang circle of friends kami.
Magiging awkward kaya? Ayoko din naman kasing masira namin yung atmosphere mamaya kasi gusto lang naman ng iba na makapag catch up kami.
Since then hindi ako nag open up sa mga kaibigan ko kung anong nangyari, minsan ipinagpapasalamat ko na lang din na sobrang busy namin na hindi nila napapansin na wala na akong kausap gabi gabi.
Binalik na rin nila ako sa groupchat but hindi na rin naman active yun. Minsan lang yung mga boys ang nagkukulitan doon but hanggang doon nalang.
Ewan ko kung may nasabi ba siya kila Matt at Luke. Hindi naman sa sinasabi ko na bawal niyang i open up but its his choice. Labas na ako don. Ayoko din naman na masira ang friendship nila.
Lahat ng nakita at nalaman ko hinayaan ko nalang. Sinarili ko na lang. Kaya ko naman noong hindi pa siya dumating sa buhay ko kaya alam ko kaya ko rin ngayong wala na siya.
Never ko ring naramdaman na wala na yung presence niya kasi everyday when I'm with my friends yung spaces na iniwan niya, pinupunan ng mga friends ko.
Ilang minutes na akong nakatitig sa mirror at tinitignan yung suot kong pambahay after kong maligo. Hindi ko kasi alam kung sasama ako o hindi eh.
Tinext ko na din si Iza na hindi ako pupunta at dunahilan ko nalang na masakit yung ulo ko.
Hindi ko kasi talaga alam kung kaya ko na siyang harapin.
I oopen ko na sana yung laptop ko para magready ng papanoorin kaso nag video call si Iza.
"Oh anong drama mo sis? sumama ka na bilhan pa kita ng isang box na biogesic jan" kita ko rin siya na nagaayos na kaya pinakita ko rin yung sarili kong nakapambahay.
"Sama ka na minsan na nga lang to eh"
"Walang maghahatid sa akin, wala ding susundo alam mo naman na may work na si kuya" alibi ko ulit
"edi magkasama tayo, akong bahala. Pinaalam na nga kita kay Tito at Tita eh. Ang epal mo naman"
Sa bahay ang magic word para payagan ako ay ang pangalan ni Iza. Alam daw kasi nilang kahit na lalambot lambot siya ay kaya niya pa rin akong ipagtanggol kapag may masamang loob mang lalapit sa amin.
At dahil sa kakulitan ni Iza ay pumayag na rin akong sumama.
Nagsuot kang ako ng fitted crop top, mom jeans at shoes na comfortable. Feel ko kasi ay mabubugbog yung paa ko sa kakalakad nila mamaya. Nagdala na rin ako ng denim jacket in case na magabihan kami.
Nauna kami ni Iza sa Mall kung saan kami magkikita kita. Si Mich at Elmer kanina pa silang umaga umalis at otw pa lang sila. Mag isa naman ni Charles ang epal kasi, noong dinaanan namin ay naliligo pa daw, ayaw naman naming mag stay sa bahay nila kasi ang tagal niyang mag ayos. Sabay sabay ding dumating sina Luke, Matt at Juan.
Nagkunwari lang akong mag ce-cellphone noong dumating sila kung saan kami nakaupo ni Iza. Bale dalawang magkatapat na long table ang pinili namin ni Iza kasi nga madami kami.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...