2

11 1 0
                                    

"Kish saan mo ba balak mag aral?" tanong ni Kuya Akim


"sa SCA siguro kuya or kahit saan basta meron yung course na gusto ko"


"Ayaw mo sa UP, magka dorm tayo" sabi naman ni ate Akira


"Di na siguro ate tsaka diba graduating ka na next school edi isang taon lang din tayo magkakasama niyan"


Gusto ko naman kasama si Ate and close naman kaming tatlo sa isa't isa, as in sobrang close. Alam namin ang secrets ng isa't isa pero may mga times na minsan di na nila alam nangyayari sa akin this few months kasi parang I don't feel like opening my problems to anyone.


Parang I feel myself din kasi na nagiging distant sakanila, siguro dahil sa busy din kami ni Ate Leanne sa school tsaka si kuya sa work pero pag nagkakasama naman kami okay kami. Tsaka I'm loving my own solitude din.


"Ikaw bahala, bakit ano ba kukunin mo sa college?" Kuya asked


"Mass Communication kuya kaya HUMSS ang i eenroll ko pero di ko pa sinabi kila Mama"


"Ay okay naman yan, pursue what you really love. Susuportahan ka namin kahit anong mangyari" Ate


"Ang drama niyo ha, ML nalang"


"Mag review ka nalang kaya sa entrance exam mo, bili pa kita skin pag nakapasa ka" Kuya


"Kuya asahan ko yan haaa"


I have two siblings. Kuya Akim Liam is the eldest and the engineer. Talagang successful na siya thats why my parents were so proud of him and syempre ako din, while Ate Akira Leanne is a 4th year Architecture student and she performs really well in her studies.


---


"Alam niyo ba girls may nakapagsabi sa akin na senior high na meron daw foundation day this february tapos graduation ball naman bago tayo grumaduate sa march" Tin


"Ay weh? Basta Charles partner tayo ha" Iza


"Hoy Iza ang harot mo ha, pag yan nalaman ng nililigawan baka bastedin na si Charles totorpe torpe pa naman yan" pang-aasar ko naman sakanila


"Eh ikaw Kiesh hanap ka na partner mo" Iza


"Ayaw di ako aattend no as if" sabi ko naman


Ewan wala talaga ako hilig sa mga ganyang socialization eh. Simula first year hanggang ngayong fourth year never akong uma attend ng socialization tuwing foundation day o kaya naman ay sa Prom. Ayoko kasi ng nag ga gown and di ko lang feel.


"Sali ka na sis, last na to oh para kompleto naman tayong squad" Iza


"Hay nako ayoko sa ganyan ganyan"


"Ganito nalang, pag may nag-aya sayong gusto kang ka partner sa socialization sasama ka pero pag wala di ka na namin pipilitin" Tin


"Ayaw ko nga tsaka wala namang mag aaya sakin asa pa kayo"


"Oh wala naman pala mag deal ka nga" Iza


"Okay fine, deal!"


"Sa wakas makikita ka na rin naming maging babae" pang aasar naman ni Elmer at Charles sakin.


Sana lang talaga di ako maisahan ng mga iyon dahil wala talaga akong balak umattend. Tsaka december palang naman ngayon siguro naman makakalimutan din nila yung deal na yun.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon