"Hi Laureign" sabi naman ni Juan Sebastian na may ngiti sa labi at tumabi sa akin, nasa tapat naman namin sina Matt at Luke ang dalawang traydor
"Yieeeeeee talaga naman, baka langgamin tayo dito tol ha" sabi naman ni Matt kay Juan
Alam kung na na ganito nanaman ang gagawin nilang tatlo kaya ay inunahan ko na sila
"Huwag niyo ako ang biru-biruin ngayon baka samain kayo, badtrip ako" masungit kong sabi sakanila sabay irap.
Nakita ko namang pasimpleng sinasaway ni Basti yung dalawa habang nagpipigil ngumiti yung dalawang traydor.
Aalis sana ako para sa labas nalang ng cafeteria hintayin sila Iza kaso narealize ko na baka sabihin nilang iniiwasan ko si Basti kaya nagtiis nalang akong umupo sakanila at mag scroll sa phone ko para makalimutan kong kasama ko sila kaso ang dadaldal nila.
"hulaan ko siguro late ka nanaman nagising kaya ngayon ka lang papasok kaso uwian na, iba ka talaga idol na kita" Luke
Inirapan ko lang siya, basta nakakainis sila feeling ko tuloy pinagtitripan nila ako kasama nina Charles at Elmer kasi all this time kilala naman pala nila kung sino yung "J" na iyon
"sungit mo naman nagtatanong lang ako eh" sabi naman ulit ni Luke
Tinanong lang ako nina Matt at Luke ng tinanong mga questions na answerable ng yes or no kaya naman ay laging tango at iling lang ang sinasagot ko sa kanila.
Akala nila mapagsasalita nila ako. Si Basti naman ay napapansin ko ring tumitingin lang sa akin habang nag ce cellphone ako.
Tinanong din nila ako kung ano gusto kong kainin kasi break time ata nila kaya sila andito kaso umiling lang ako, hindi rin naman kasi ako gutom dahil nag foodtrip kami ni Anton kanina sa seminar.
Pero nilapagan pa rin ako ni Basti ng bottled water at burger sa lamesa ko pero kunware ay hindi ko nakita nahihiya kasi ako, tsaka ewan parang naiilang ako kay Basti feeling ko kasi nagiging feeling close na siya masyado.
"Wala na ata si Ms. Santos late na siya wala pa daw siya sa room sabi ng mga kaklase natin" Mat
"Wala din ata siya sa kabilang klase kanina baka wala talaga siya, gutom na nga ako kakahintay" Luke
"Kunin na kaya natin yung bag natin 30 minutes nalang din naman oh mag uuwian na" Basti
"Kami nalang pre" sabi naman ni Luke. No choice naman at naiwan sa tabi ko si Basti. Pinag ti tripan talaga kami ni Luke ngayon. Ang lakas ng trip nila ha.
"Ubusin mo na yang pagkain mo" sabi naman ni Basti sa akin sabay turo ng pagkain na nilapag niya kanina
Hindi ko naman iyon masagot ng iling at tango kaya naman sabi ko ay "maya na busog pa ako" sabi ko sakanya ng walang ka buhay buhay
"Magsasalita ka naman pala eh" sagot niya naman sakin kaya naman ay inirapan ko lang siya akala niya di ko siya kayang sungitan.
Narinig ko lang siyang tumatawa. Siya namang dating ng lima.
"bilis mo naman pre ah date pa dito sa school ha" Charles
Nasobrahan na ata talaga sa pagiisip mga kaibigan kong ito, napaka advance mag isip.
"gagi apat kami dito kanina kinuha lang ng dalawa yung bag namin, wala na rin kaming klase eh." sabi naman ni Basti.
"anong meron? date?" nagtatakang tanong ni Michelle kay Elmer
Aaaaaah! nabadtrip na tuloy ako ng tuluyan kasi feeling ko nilaglag ako nina Elmer at Charles.
"Si Basti dinidiskartehan si Kiesha" sabi naman ni Elmer
"uwi na ako" sabi ko naman sabay kuha na ng bag ko, ewan ko ba nababadtrip na ako. Pakiramdam ko ay pinapahiya ko lang sarili ko dahil atat na atat akong makilala si "J" na yan na si Basti lang naman pala.
Dire diretso akong naglakad palabas ng cafeteria habang sila ay gulat pa ata. Ngayon lang kasi ako nag walk out as in dati ay isa pa ako sa alaskador sa barkada kaso nababadtrip talaga ako. Hindi naman ako galit kay Basti siguro sa apat lang, kina Mat, Luke, Elmer at Charles lang.
Pagkadating sa subdivision ay dumiretso ako sa dagat, para magpahinga at mapagmasdan ang sunset. Itong scenery na ito ang pahinga ko eh. Kahit araw araw ay hindi ako magsasawang pagmasdan ang mga ito.
Dala dala ko yung bottled water at burger na bigay ni Juan Sebastian kanina. Di ko din namalayan na nakuha ko pala before ako umalis sa cafeteria kanina
Umuwi na rin ako pagkatapos non dahil mejo inaantok na ako. Hindi ko rin napansin na sa living room pala ako nakatulog. Nagising nalang ako na parang may nag uusap sa paligid ko kaya ay umupo ako para makita kung sino yung mga iyon.
"Uy gagi gising na siya" sabi naman ni Iza. Sila palang lima ang andito.
"Uy galit ka ba sa amin? sorry na!" malungkot na sabi ni Mich
"Hindi sainyong tatlo, badtrip lang ako kanina."
"Eh sa amin galit ka?" gulat namang sabi ni Charles
"Ibenta din kaya kita Charles tapos sabihin kong huwag kang magalit payag ka don?" tanong ko kay Charles
"kanino?"
"kay Basti, kanino pa nga ba? Tanong kami ng tanong kung sino siya tapos all this time kilala niyo pala, siya nalang kaibiganin niyo tutal mas gusto niyo ata siyang kaibigan kaysa ako, nabebenta niyo nga ako eh" sabi ko naman sa kanila.
Inakbayan naman ako ni Charles sabay sabing "Sorry na! di ka naman namin binenta eh, sabi niya lang na gusto niyang mapalapit sa iyo kasi gusto ka niya"
"Binantahan nga din naman siya, syempre kaibigan ka namin ayaw ka naming masaktan, pag naman nalaman namin na hindi pala siya mapagkakatiwalaan ay papatigilin naman namin siya" sabat naman ni Elmer.
"Kaya nga, mabait yun kahit maloko, ang effort nga niya nung sinusulatan ka. Kinikilig pa ang loko pag nakikita niyang binabasa mo" sabi ni Charles
"Oo nga ghorl haba nga ng buhok mo eh, crush ata siya ng top student sa 3-A tsaka sa STEM-A din pero ghorl ikaw sinusulatan" Mich
"Diba nanalo ka na ghorl, bakit ayaw mo ba siya?" sabi naman ni Iza
"Eh kahit na, porket ba sinulatan dapat gusuhin ko na din? wala edi sayang saya na non nung tinatanong ni Iza sa harap harapan kung kilala niya si "J" pero siya pala" sabi ko naman.
"Akala niya may pag-asa tuwang tuwa nga siya eh. Niloloko pa nila siya sa ABM kaso ayaw niya daw sabi pa niya nasa Junior High daw yung gusto niya" Charles
"so paki ko?" masungit ko namang sabi sa kanila
Naguguluhan tuloy ako, bakit naman ako magugustuhan ni Basti eh average student lang naman ako, di naman ako kagandahan tapos mas bata ako sakanya.
Gusto niya ba talaga ako? or pinag ti tripan lang nila ako? pero may tiwala naman ako kila Charles at Elmer eh. Ang tagal na naming magkakaibigan ngayon pa ba nila ako sasaktan? Hindi naman siguro
Pero bakit ako? Hays.
Grabe pala ang lamang sakin ng mga nagkakagusto sa kaniya eh. Mga ABM magaganda tas yung iba pa don brainy talaga. Tapos yung sa 3rd year matalino din. Yung iba naman puma pageant pa ata.
Bakit ako? Wala namang ibang meron ako eh.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...