27

1 1 0
                                    

Yun na yung last na pagkikita namin kasi Christmas break na, kasalukuyan na rin kaming nag iimpake ni Ate papunta sa bahay ng lola namin para doon mag bakasyon.


Tradition na din kasi na every Christmas ay doon kami nag cecelebrate dahil lahat ng mga tito/tita at mga pinsan namin ay kompleto para sabay sabay kaming mag celebrate.


Masaya doon kasi sobrang bait ng grand parents namin tsaka masayang kasama mga pinsan namin dahil close kaming lahat. Sabi nga ng mga parents namin ay sobrang ganda daw ng samahan at bondings namin.


Kasi yung mga ibang mag pinsan kahit na magkakasing edad lang sila ay nag aaway ganon. Nagsisirahan samantalang kaminay tampuhan lang tapos mga 10 minutes lang ang pinakamatagal na hindi pagpapansinan.


Pumunta muna ako sa dagat, sa safe haven ko bago kami pumunta kila lola. Mamimiss ko ito sobra.


Bigla namang tumawag si Juan Sebastian


"Hello? Reign? Nakaalis na kayo?" sunod sunod at tarantang tanong niya.


"Hindi pa nag iimpake pa si ate bakit?"


"Andito ako sa labas ng subdivision niyo, pwede ba kitang makita kahit saglit?"


"Syempre aalis ka eh, matagal nanaman bago tayo magkita." dagdag pa niya


Ewan ko kung anong tumakbo sa isip ko kung bakit um-oo ako sakaniya. Di ko naman siya pwedeng ipunta sa bahay dahil baka magalit parents ko, ayaw ko naman din kila Iza kaso for sure malalaman din ni Mommy. Hays siguro sa dagat na lang.


Pinuntahan ko siya sa guard house namin para sunduin dahil hindi siya makakapasok kapag walang sundo or certification na may kakilala nga siya sa loob.


Malayo palang ay tanaw ko na siya. Yung morenong matangkad na medyo kulot yung buhok. Ang porma niya lang tignan kahit naka tattered pants at simpleng T shirt lang siya. Ang mature niya ding tignan, minsan nahihiya din akong nakikita na magkasama kaming dalawa eh parang sobrang layo ng agwat namin sa edad kahit na isang taon lang naman. Hanggang leeg niya lang din kasi ako.


"May pupuntahan tayo, hindi sa bahay pero dapat ay secret lang. Dapat wala kang pagsasabihan. Mag promise ka" sabi ko sakanya


"Saan ba?"


"basta safe haven ko to at kaunti lang nakakapunta dito kaya ayaw ko din na may nakakaalam para di siya maging crowded. Please mag promise ka"


"Okay, I promise" sabi niya ng ngingiti ngiti


"Juan di ako nakikipagbiruan" banta ko sakanya


"sungit mo talaga, oo nga I promise cross my heart"


"totoo yan ha? pag nalaman kong pinagsabi mo to, hindi na kita papansinin kahit anong mangyari forever and ever"


"Yes, I promise takot ko nalang no" sagot naman niya.


Naglakad lang kami papunta sa dagat. It's the second time na magkasama kami na wala ang tropa, yung una ay sa Park non kung saan siya nagpakilala na siya yung nagbibigay ng letters sa akin.


Pagdating namin sa dagat ay kita ko sa mukha niya ang pagka mangha


"May ganito pala dito, akala ko kung saan mo na ako ipupunta Reign, akala ko sa sobrang galit mo sa akin ay ililigaw mo na ako" pambibiro niya naman sa akin


"Hoy ambait ko kaya, pasalamat ka nga pinunta kita dito, ang importante kaya ng lugar na ito para sa akin" sagot ko naman


"Thank you for letting me go here, ngayong lang ata ako nakalanghap ng sariwang hangin. Nakakawala ng pagod"


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon