Tahimik kong pinagmamasdan ang daang binabagtas naming kalsada. Tila nakikisabay naman sa akin ang langit at mahinang pumapatak ang ulan. Napabuntong hininga ako at pinunasan ang luhang kanina pa tumutulo mula sa aking mga mata.
Hindi ko mawari na hahantong akong muli sa sitwasyon kung saan kailangan kong mamili para sa kapakanan ng iba. Minsan napapatanong na lang ako ng "Paano naman ako?". Ito yung mga panahong gusto kong maging makasarili pero hindi ko magawa.
"Are you ready? We're almost there." tanong ni Sir Dominic na siguro ay kanina pa naririnig ang paghikbi ko.
"Magiging okay naman siya diba?" saad ko at tumango naman siya. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.
"I'm sorry, Allele but this is for the best." nginitian ko siya at tumango. "This is not the right time to tell you this pero matatapos na ang business trip niya bukas."
"Hindi na naman niya ako maabutan." binigyan ko siya ng malungkot na ngiti bago ko ibinaling ang tingin ko sa dinadaanan namin.
Itinigil ni Sir Dominic ang sasakyan sa isang restaurant. Ito kasi ang lugar kung saan sinabi ni Sir Dominic sa Lola ni Isaiah. Kinakabahan akong bumaba ng sasakyan niya at agad naman itong napansin ni Sir Dominic.
"It'll be alright." paninuguro niya sa akin. Bumuntong hininga ako at nagsimula ng pumasok sa loob.
Agad kong nakita ang lola niya kasama ang isang babae. Maganda ito, balingkinitan ang katawan, may katangkaran at tindig palang nito ay nagpapakita na ng katayuan nito sa buhay.
"There she is. Nice to meet you, ija." pekeng bati sa akin ng Lola ni Isaiah. "Gosh, where are my manners. Corrine this is Allele. Allele this is Corrine. Isaiah's fiancee." tila nagpantig naman ang pandinig ko sa katagang sinabi nito.
"Nice to meet you, Allele." saad ng babae at inilahad ang kamay niya. Tiningnan ko siya bago ibinaba ang tingin ko sa kamay niya.
"Why don't we sit down first?" inalalayan ako ni Sir Dominic sa pag-upo at tumingin naman ako sa Lola ni Isaiah na may malaking ngiti sa labi na akala mo ay nanalo sa lotto.
"Thank you so much for inviting us, Dominic." sagot nito at tumango naman si Sir Dominic. "Kamusta, iha? It's been awhile since we last met. How are you holding up? Nabalitaan kong napalayas daw kayo sa bahay niyo. Wala pa naman ang aking apo. Okay ka lang ba?"
"Pwede po ba huwag na tayong magplastikan dito? Hindi ko ho kailangan ng awa niyo dahil wala naman talaga kayong dapat kaawaan. Gagawin ko na po yung gusto niyo. Layuan ang apo niyo." walang prenong saad ko. Natawa naman ito ng bahagya.
"Ito ang dahilan kung bakit hindi kita gusto para sa apo ko. Katulad ka ng nanay niya. Mga walang modo, hampaslupa, kaladkarin!" medyo malakas na saad nito na pumukas sa atensyon ng ilang customer.
"Hindi pa po ba sapat yung ginawa niyo sa pamilya ko at sa mga taong nasa paligid ko." naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Puno ng galit ang nararamdaman ko.
"Mawalang galang na po pero mas masahol pa po kayo sa akin na walang modo, hampaslupa at kaladkarin! Ibalik niyo po ang titulo ng coffee shop kay Sir Dominic at hinding hindi niyo na po ako makikitang muli." hindi ko napigilan ang sarili kong pagsalitaan siya.
"I will send the papers to your office tomorrow, Dominic. If I see you once again, hindi ako magtitimpi sa gagawin ko." banta niya sa akin habang nakangiti na animo'y inaasar ako.
"Hayaan niyo po. Sisiguraduhin ko pong kung magkikita man tayong muli ay hindi na kayo magtitimpi." sabi ko bago tumayo at umalis na ng walang paalam. Paglabas ko ng restaurant tsaka ko naramdaman ang paghina ng tuhod ko at sunod sunod na pagtulo muli ng luha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/221178746-288-k144137.jpg)
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...