"Mind if I join in?" halos magpantig naman ang tenga ko sa narinig. Hindi agad ako nakapagsalita at natauhan lang ng marinig ang splash ng tubig.
I shouldn't be acting this way. Alam kong may karelasyon siya at dapat hindi ko nararamdaman kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Napako ako sa kinatatayuan ko habang siya naman ang pumalit sa pwesto ko kanina.
Natatakot akong lumapit sa kanya dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko kung may mangyayari man. Oo na, assumera na kung assumera.
"Tatayo ka nalang ba jan?" tanong niya ng lingunin niya ako. Unti-unti akong lumapit at nagbigay ng tamang distansya sa aming dalawa ng makalapit ako. I heard him chuckle kaya napalingon ako.
"Bakit?"
"Nothing, it's just funny." sagot niya. Pinagmasdan ko siya upang alamin kung lasing na siya o ano. "I'm not drunk."
"Okay." mahinang sambit ko at tumingin sa tanawin muli. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin kaya nagulat ako.
"Ay tangina." singhap ko at nilingon siya. Kinunot ko ang noo ko bago magsalita. "Aatakihin ako ng nerbiyos sa iyo eh."
Hindi naman siya nagsalita at nakatingin lang ng diretso sa mata ko. Hindi ko na tuloy maiwasang tugunan ang titig niya. Para namang nangungusap ang mga mata niya at pinipigilan niya lang ang gusto niyang sabihin.
"B-bakit?" halos mapamura naman ako sa pagkautal ko. Nahihirapan na akong makahinga dahil sa lapit ng pagitan naming dalawa.
"Fuck it.." narinig kong bulong niya at agad niya akong sinunggaban ng halik. Hindi naman ako kaagad nakakilos dahil sa ginawa niya at tila napako ang buong katawan ko sa pwesto ko.
Naramdaman ko ang mga bisig niya na unti unti akong niyayapos palapit sa kanya. Unti-unti narin akong nagpadala sa mga halik niya at tinugunan ito. Umakyat ang mga kamay niya sa likod ko at unti-unting tinanggal ang buhol ng suot kong pantaas. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko kaya hindi ko mapigilang mapadaing
"Isaiah..." bulong ko habang patuloy siya sa pag-atake sa maselang parte ng leeg ko.
"Hmmm..." sagot niya at napakapit naman ako sa kanya ng maramdamang natanggal niya na ng tuluyan ang buhol ng swimsuit ko. Unti-unti ko ring naramdaman ang pagkatanggal niya dito kaya napalayo ako ng kaunti sa kanya.
"Mali to eh. You have a girlfriend." mahinang sambit ko at tuluyan nang kumawala sa mga bisig niya. Tinali ko na ang swimsuit ko at tiningnan siya saglit. Nakatingin lang siya sa akin at napailing.
"Yeah, you're right. I'm sorry." sagot niya at unti unting lumayo sa akin. "It's getting cold. You should go back to your room." iniwas naman niya ang tingin niya sa akin at napayuko ako.
"Isa-"
"Just go, Allele." nakapikit niyang saad at tumango ako bago umahon sa pool. Kinuha ko ang towel na nakalagay sa may inuupuan niya kanina. Nilingon ko siyang muli bago nagpatuloy papasok sa hotel
Kinabukasan ay nagising ako sa pagbukas ng pinto. Malaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Kehlani.
"Good morning, sleeping beauty. Isaiah cooked something for breakfast. Get up already." mataas na energy niyang saad. Tinakpan ko naman ng duvet ang mukha ko ng buksan niya ang kurtina.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...