Habang kumakain kami ni Isaiah ay napatingin ako sa kanya. Sino bang mag-aakala na mamahalin ako ng lalaking ito? Kanina pa kami pinagmamasdan dahil sa kanya. Sobrang kabaligtaran ko siya. Hindi lang sa sekswalidad pati narin sa estado ng buhay.
Hindi parin mawala sa utak ko ang sinabi niya sa akin kanina. Siguro kung ibang babae ang pinagsabihan niya nito ay tuwang tuwa pa ito pero ako sobrang kabado. Alam kong dapat wag ko munang pangunahan ang lahat pero hindi ko maiwasan.
Am I really for him? Am I worth it of his love? Matatanggap ba ako ng pamilya niya? Ilan yan sa mga tanong na paulit ulit na sumasagi sa utak ko. Nginitian niya ako at binalik ko naman ng pilit ang ginawa niya.
"Are you okay?" tanong niya bago kumagat sa isaw na binili namin. Tumango naman ako at natawa ng bahagya dahil ang kalat niyang kumain.
Tumingkayad ako ng kaunti at pinunasan ko ang gilid ng labi niya. Napatingin naman siya sa akin kaya agad akong nailang.
"Bakit?"
"Wala lang. Your gestures makes my heart crazy. May mali na ata sa puso ko." napailing naman ako sa sinabi niya.
"Baka may gagawin ka pa sa trabaho at pinilit kang pumunta dito ni Icarus." sambit ko at umiling naman siya.
"Marami naman akong empleyado para gawin yun." napataas naman ako ng kilay. Parang taliwas ito sa sinabi niya sa akin noon na hands on daw siya sa kompanya niya.
"Parang iba naman yung sinabi mo sa akin noon." asar ko at inakbayan naman niya ako bago binigyan ng halik sa pisngi.
"Yan, wala ka ng naaalala." hinampas ko naman siya at tumawa siya ng malakas.
"Napaka nito. Atsaka, naaalala ko pa no." sabay ngisi ko sa kanya. Nagulat naman ako ng ilapit niya ng husto ang mukha niya sa akin.
"I guess, this method will work." halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Ang lalaking ito talaga. Inilayo ko ang mukha niya at tumawa naman siya ng mahina.
"Alam mo, uuwi na ako. Naalala kong tutulungan ko pa si Paisley sa paper na ipapasa niya." tumango naman siya at pinagkonekta ang mga kamay namin bago niya ako hilahin papuntang sasakyan niya.
Ilang araw din akong balisa dahil sa gaganaping party bukas ng gabi. Hindi ko alam kung bakit ako sobrang nag-ooverthink kahit na ilang ulit sinasabi sa akin ni Isaiah na magugustuhan ako ng pamilya niya.
"Stop overthinking about it, Allele." saad sa akin ni Kehlani na ngayon ay nakatambay sa counter kasama si Sir Dominic.
"Even if Isaiah's family doesn't like you, ano naman? As long as Isaiah is in love with you, lahat gagawin ng mokong na yun. Kahit pakasalan ka niya ng agaran para wala ng magawa yung pamilya niya ay gagawin non." dagdag ni Sir Dominic.
"Hindi ko lang maiwasang mapaisip. Ibang iba kami ng mundo ni Isaiah at maraming taong may sasabihin kapag nalaman yun." napayuko ako.
Aside kasi sa pag-aalala ko tungkol sa pamilya niya ay kinkwestyon ko rin kung bagay ba kaming dalawa. Alam kong napakaparanoid pero sobrang hindi lang ako makapag-isip talaga ng tama.
"We should go out. Tayong dalawa lang. You need something to free your mind from all this things that are bothering you. Masyado kang stress." aya naman ni Kehlani sa akin.
"Saan naman tayo pupunta? Atsaka may shift pa ako eh." sabi ko at sabay kaming napatingin kay Sir Dominic.
"Fine, pero saan kayo pupunta?" tanong nito.
"Hindi naman kailangan, Kehlani." sabi ko. Nandito kami ngayon sa SM Aura. Wala akong ideya kung ano ang gagawin namin pero sabi niya makakapagrelax daw ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
عاطفيةOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...