Para akong natamaan muli ng alak sa ginawad niyang paghalik sa akin. Matapos niyang sabihin iyon nagpatuloy siyang muli at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako nagreklamo. Ilang sandali ay ako na mismo ang kumalas sa pagkakalapit naming dalawa.
Agad akong sumubo sa ramen na kinakain ko at narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Malapit parin siya sa akin kaya agad akong nahiya sa ginawa namin.
"Stop blushing." he whispered and gave me a kiss on my cheeks.
"Tigilan mo ko, Isaiah." saad ko at mas lalo itong natawa.
"I don't think I can do that again, baby. I did that 5 years ago and saan din ako pinulot. Hmmm?" sabi niya kaya bahagya akong napatingin sa mga mata niya.
"Malay ko. Lumayo ka sakin ang init." sabay marahang tulak sa kanya. Nginitian niya ako at hinalikang muli ang pisngi ko na mas lalong nakapagpamula sa akin.
"Just eat and we'll go back." sabi niya at medyo nilayuan ako ng kaunti para kumain na siya. Nanatili naman ang isa niyang kamay sa likod ko na hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Matapos naming kumain ay agad kaming umalis sa restaurant at hindi na ulit nag-imikan. Parang biglang nagkaroon ng hindi makitang harang sa pagitan naming dalawa. I should've been more careful. Ayoko ng maulit muli ang nangyari noon.
"Kailan ang balik niyo sa New York?" tanong niya sa akin matapos ang ilang seconds na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakastop ang sasakyan dahil sa red light.
"Siguro sa Sabado. Medyo matagal na rin kaming wala sa opisina." sabi ko at tumango naman siya. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili kong tanungin kung kailan siya uuwi ngunit parang natunugan naman niya ito.
"Maybe I'll stay here for a day. I have to meet someone." tumango naman ako ng dahan dahan at nakita ko siyang tinatantya ang reaksiyon ko.
"I hope you will not leave me this time." rinig kong bulong niya at sumakit naman ang puso ko sa linya niyang iyon. What I did to him before is unacceptable and kung ako man yung ginawan ng ganoon ay naka hindi ko na magagawang lapitan o kausapin pa ang taong ito.
But I guess, Isaiah is a person that has a really big heart and no matter what you do he will always forgive you kasi may pinagsamahan kayo.
Hindi ko nalang sinagot ang narinig ko at tumingin nalang sa bintana habang umaandar ang sasakyan.
Kinabukasan ay nagstay lang kami sa hotel habang si Isaiah ay hindi ko alam kung nasaan. Kakauwi lang din kasi non ni Icarus at ang dalawang mag-asawa naman ay halos tanghali na ng nagising. Naabutan ako ni Icarus na nagluluto ng tanghalian.
"Isaiah?" tanong niya at nagkibit balikat ako. Hindi ko kasi alam kung saan siya pumunta ang alam ko lang ay wala siya. "Yung dalawa?" tinuro ko ang kwarto at umiling naman ito.
"Ikaw saan ka galing?" tanong ko at umupo naman siya sa high chair.
"Mukha ba akong in love?" nagulat ako sa tanong niya at ang tanging naging sagot ko lang ay tawa. "Sagot ng maayos, Allele."
"Kalma. Malay ko. Hindi ka na naman nagsasabi sa akin. Hindi ko nga alam if may kinikita ka ba o wala eh." sabi ko at nagpatuloy sa pagluluto.
"May nangyari samin." sabi niya habang nakayuko at halos matawa naman ako sa sinabi niya.
"Nino?" pang-aasar ko at sinamaan naman ako ng tingin nito. "Iniwan mo?"
"Hindi. Wala na siya pag-gising ko eh." sagot nito at tumango naman ako. "Ano?"
"Anong ano?" tanong ko ng may mapaglarong ngiti sa mga labi. Sinamaan niya ulit ako ng tingin. "Katulad ng sinasabi ko sayo noon. Napakapakipot mo kasi. Ang ganda mo rin no. Ikaw pa hinahabol."
"She cheated on me." rason niya.
"Na napatunayan mo namang hindi totoo. Tapos ngayon ikaw pa may ganang magpabebe. Kung ako kay Ashley hindi na kita babalikan eh." sabi ko at umirap naman siya sa sinabi ko.
"Apply mo rin yan sa sarili mo." hinampas ko naman siya sa sinabi niya.
"Magkaiba tayo ng sitwasyon, okay. I think the best thing to do is talk to her." sabi ko at bumuntong hininga naman ito. "Let me guess, hindi mo alam number?"
"Sinong hindi alam ang number?" napatingin ako sa nagsalita at nakitang palabas ng kwarto nila si Kehlani. Napangiti naman ako dahil mukhang super saya niya.
"Wala." sagot ni Icarus at hinampas naman siya nito ng makaupo sa tabi niya.
"Isaiah?" lingon ni Kehlani sa akin at nagkibit balikat lang ako.
"I know her number." sabi ni Kehlani at nag-abot ng juice at baso para sa kanya.
"Kikidnapin ko anak niyo kapag iyan hindi totoo." banta ni Icarus at natawa naman ako.
"I'm serious. I do know her number. Kliyente ko siya." saad nito.
"Kliyente saan?" tanong naman ni Icarus. Nakita ko namang papunta si Sir Dominic dito kaya agad ko itong nginitian.
"Nagpapainterior design siya sa isang condo niya dito. Hindi pa kami nagkakausap muli pero alam kong magkikita kami sa susunod na linggo." inabot naman ni Kehlani ang plato ng binigay ko sa kanya dahil tapos na akong magluto.
"Okay." sagot ni Icarus at napataas naman ako ng kilay.
"Talaga? Okay lang? Saan ka galing kagabi?" pangungulit ni Kehlani na inignora naman ni Icarus.
"Anong ginawa niyo kagabi?" balik ni Icarus ng makulitan na kay Kehlani.
"Kung ano mang ginawa namin kagabi ay sure akong nagawa mo rin, Icarus." pang-aasar ni Kehlani sabay turo sa marka sa leeg nito. Napatingin naman ako dito at agad na natawa si Sir Dominic.
Nagmamadali namang tinakpan ni Icarus ang sinasabi ni Kehlano kaya hindi ko rin napigilang tumawa. Nakarinig naman kami ng pagbukas ng pintuan kaya napatingin kaming lahat dito.
"Done?" sabi ni Sir Dominic at tumango naman si Isaiah. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng mapadako ito sa akin.
"Dapat nagpa-seminar ka muna sa akin bago mo ginawa yun." mayabang na sagot ni Sir Dominic na hinampas naman ni Kehlani.
"Gago." bulyaw ni Icarus. Napailing na lang ako at kumuha ng baso para makainom ng tubig. Pagkasara ko ng pinto ay halos mapamura ako sa gulat.
"Ano bang ginagawa mo diyan?" tanong ko habang hawak ang dibdib ko.
"I'm getting some water." sabi nito at binuksan naman ang ref dahil sa ginawa niya ay nakita ko kung ano ang suot niya. Nakacasual lang siyang damit at parang nakipagkita sa kaibigan.
"I just met someone. Old friend." sagot nito ng maramdaman siguro niya ang pagtagal ng tingin ko.
"Hindi ko naman tinatanong." sagot ko at nagulat ako ng bigyan niya ako ng halik sa pisngi. Napatingin ako sa mga kasama namin at abala parin sila sa pangangasar kay Icarus.
"L-lumayo ka sakin." utal na sambit ko at aalis na sana ng harangan niya ang dinadaanan ko.
"I'm not gonna do that again." seryosong sambit niya. Napatingin ako ulit sa mga kasama namin at pabalik sa kanya.
"Kakain na ako, Isaiah. Nagugutom na ako." sabi ko at ilang segundo niya pa akong tiningnan.
"You're avoiding me again." sabi niya at umiling ako.
"Nagugutom lang talaga ako."
"Kayong dalawa diyan kung maglalandian lang kayo sa ibang lugar niyo na gawin yan. Kumain na tayo." rinig ko sabi ni Kehlani at agad naman akong nahiya sa posisyon namin. Sobrang lapit niya sa akin at kung nasa malayo ka ay aakalain mong naglalandian nga kami.
"Kakain na tayo." sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang animo'y hihigupin ka.
"Stop avoiding me, then."
"Hindi naman kita iniiwasan. Kumain na tayo, please." sabi ko at tumango naman siya. Agad akong kumuha ng plato at umupo sa bakanteng upuan ng makakuha na ako ng pagkain.
"May pupuntahan tayo mamaya. Dress confortably." bulong niya.
•••
Late update. :-)
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...