Kabanata 11

2.5K 68 0
                                    

Naglakad kami ng kaunti at narating ang isang maliit na boutique. Nagtaka naman ako kasi bukas pa ito.

"May bukas pa palang shop na ganito? Sobrang late na ah." sabi ko at pinagbuksan naman niya ako ng pintuan.

"This shop is open for 24 hours because of the tourist. Sometimes tourist tends to buy during this hour." tumango naman ako at pumasok na sa loob. Tiningnan ko ang paligid at dumapo ang tingin ko sa babaeng papalapit sa amin.

"Mr. Pantaleon." bati nito at nakipagbeso kay Isaiah.

"Take care of her." sabi nito at agad naman niya ako iginiya sa babae.

"Will do. Tara na, Maam." sabi nito at sumama naman ako dito. Liningon ko si Icarus at nakitang umupo na siya sa may couch doon.

"You have a fair skin. Kaya mukhang lahat naman ata babagay sayo. We have this new collection and gusto ko itry mo." sabi niya. "Try this first."

Kinuha ko ang binigay niya at dumiretso sa fitting room. Ang una kong isusukat ay kulay green na polka-dotted dress. Pagkasuot ko nito ay agad na akong lumabas para makita ko ng buo ang suot ko.

"Bagay sayo." nahihiya naman akong ngumiti. "Can I take a picture of you? Kung okay lang sayo kasi naghahanap kami ng magmomodel ng bagong collection namin sa IG."

"Okay lang po. No problem." sabi ko.

"Sige, wait lang. Kukunin ko lang phone ko." sabay alis niya. Pinagmasdan ko ang sarili ko at napangiti.

"It suits you."

"Ay, anak ng tokwa!" napalingon naman ako at nakita si Isaiah na nakangising pinagmamasdan ako.

"Ay, sir. Ikaw pala. Maam, tayo ka diyan tas pose ka lang ng kunti." utos sa akin ng babae at agad ko naman ito sinunod kaso medyo naiilang ako dahil nakatingin sa akin si Isaiah.

"Thank you, Maam. Bagay po sa inyo yang damit." ngumiti naman ako at pumasok ng muli sa dressing room at nagsukat pa ng ilang damit.

Nagtalo pa kami ni Isaiah kung sino ang magbabayad. Sa huli, siya ang nagbayad kaya hindi ko na siya pinilit. May pangbayad naman ako kaso kukulangin yun para sa pera na ipapadala ko kina Mama bukas. Nagpapasalamat din naman ako na binayaran niya kaso nakakahiya lang talaga.

"Babayaran nalang kita sa susunod." sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa hotel resort.

"No need."

"Ang kulit ng kokote mo." sabi ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Ako pa talaga ang makulit?" umiling siya at tahimik nalang kaming naglakad pabalik.

Agad kong kinuha sa kanya ang mga pinamili ko nang makarating kami sa kwarto na binook niya. Tumingin ako sa paligid at hindi ko maiwasang mamangha.

"Sa couch nalang ako matutulog." napalingon ako sa kanya at kinunutan.

"Bakit dun ka matutulog?" tanong ko.

"Bakit gusto mo ba akong katabi?" isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.

"Hindi." sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Mauuna na akong maglinis ng katawan." saad niya. Bumuntong hininga naman ako ng makapasok na siya sa cr. Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon na magkasama kami sa isang kwarto pero iba naman kasi yung ngayon tsaka noong gabing yun.

Patulog na sana ako ng makita ko siya na nagtitipa ng kung ano sa laptop niya. Mukha siyang problemado pero mas lalo siyang gumwapo. Nakasalamin siya at nakasuot ng damit na kung saan ay mukha siyang maapproach mo talaga.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon