Tatlong araw na ang nakalipas simula nang gabing yun. Araw araw akong kinakabahan dahil sa pag-iisip na baka pumunta dito sa coffee shop si Isaiah. Pilit kong inaalis sa utak ko yung nangyari nung gabing yun pero para naman itong sirang plaka na paulit ulit sa utak ko. Napakaimposible na magkita kaming muli ni Isaiah. Sa itsura niya palang ay mahahalata mo na isa siyang busy na tao, nagalit nga siya sa akin na namali ko yung bigay kong order niya.
Pero alam kong maliit lang ang mundo namin dahil nagtatrabaho ako sa coffee shop ng kaibigan niya at kaibigan niya rin si Icarus. Siguro ay hindi niya ako naaalala dahil hindi naman ako mahilig makipag-usap sa mga customer maliban nalang kung suki namin. Pero hindi ko parin maiwasang kabahan.
"Balisa ka na naman." puna sa akin ni Ate Juliet nung isang araw. Bumuntong hininga ako at itinuon na lang ang pansin ko sa paglilinis ng counter.
"Pagod lang, Ate." sagot ko naman at nginitian siya.
"Jusko kang bata ka. Huwag kang masyadong magpagod." sabi niya at tumango lang ako.
Ngayong araw ay binisita ako nina Jason at Natasha sa coffee shop. Nahihiya ako sa kanila dahil alam kong pinag-alala ko rin sila ng gabing yun.
"Buti naman at hindi ka naabduct o kung ano. Jusko talaga ate mo girl. Grabe ang pag-aalala sayo ni Icarus." banggit sa akin ni Jason. Napangiti lang ako ng bahagya. Breaktime ko kaya andito ako kausap sila.
"Truth. Kulang nalang eh patulan ako ng gagong yun kasi hindi ka niya mahanap. Bakit mo nga ulit hindi boyfriend yun?" tanong ni Nat sa akin.
"Sa susunod wag kang aalis basta basta. Pati kami nag-alala sayo." saad ni Jason at tumango naman ako.
"Siya nga pala, oh." may inabot sa akin si Natasha na paper bag.
"Ano to?" tanong ko at sinilip ang loob ng bag. May laman itong isang laptop at yung mga kailangan para rito.
"Ilang birthday mo din ang hindi namin napuntahan ni Nat." sagot naman ni Jason at napabuntong hininga naman ako.
"Hindi ko naman kailangan nito." nahihiyang saad ko. Hindi talaga ako sanay na binibigyan ako. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako nagpaalam sa kanila noon.
Alam kong malinis naman ang intensyon nila pero ayaw ko lang talaga ng tumatanggap ng kung anong bagay. Feeling ko kasi hindi ko kayang kumilos ng walang katulong.
"Pinaglumaan na naman yan, girl. Okay lang yan. Para kay Paisley o kaya sayo kapag may kailangan ka." sabi ni Natasha.
"Subukan mong ibalik yan, girl. Kukutusan kita." banta ni Jason at natawa naman ako. Tumingin ako sa counter at nakita ang pagsenyas ng katrabaho ko.
"May kailangan pa ba kayo?" tanong ko habang tumatayo. Sabay naman silang umiling.
"Aalis na rin kami mamaya maya. Bibisita kami ulit dito kapag may oras." sabi ni Nat at tumango naman ako. Niyakap ko siya bilang paalam at ganon din ang ginawa ko kay Jason.
"Ingat kayo." paalam ko at umalis na para bumalik sa trabaho.
Pagkatapos ng shift ko ay agad naman akong pumunta sa gas station na pinagtatrabahuan ko. Pagkadating ko dun ay agad akong nagpalit ng pantaas.
"Buti dumating ka ng maaga mainit ang ulo ni maam. Nag-away na naman siguro sila ng anak niya." chismis sa akin ni Gretchen. "Gwapo pa naman ng anak ni Maam."
"Nakita mo na?" tanong ko habang naghihintay kami ng magpapagas.
"Nagpagas dito nung isang araw nung wala ka. Girl, grabe." pagpapantasya niya at natawa naman ako. Sabay kaming tumayo sa kinauupuan namin ng makita namin na may paparating. Namukhaan ko naman ang isang sasakyan kaya yun ang nilapitan ko.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...