Kabanata 2

3.7K 88 1
                                    

Tuloy tuloy ang lakad niya at kinatok ang opisina ng may-ari ng coffee shop na ito na siyang manager din. Agad naman siyang pinahintulutan ng tao sa loob. Dominic Gregorio smiled when he saw her. Matagal ng empleyado si Allele sa coffe shop niya at alam niyang isa ito sa pinakamasipag niyang empleyado.

Lagi niya itong pinagbibigyan kung bumale ito ng sweldo o di kaya'y magpaalam na magpapalit ng schedule. Wala siyang gusto sa dalaga pero alam niyang nangangailangan ito kaya sino ba naman siya para pigilan ang hiling nito kung ganito rin ang ginagawa niya sa iba niyang empleyado.

"Sorry ho sa istorbo, sir. Kaso po may gusto pong kumausap sa inyo sa labas." she looked away nang tumayo ang boss niya.

"Bakit daw?" sagot niya sa dalaga.

"Mali ho kasi ang nabigay kong order sa kaniya. Hindi ko po kasi namalayan. Pagod na rin siguro, sir." sabi ni Allele na parang inapi ng kung sino man.

Kinakabahan siya sa mangyayaring pag-uusap ng lalaki at ng boss niya. Bakit naman kasi napakaOA ng lalaki at agad itong nagalit. Pero naiintindihan ni Allele ang sitwasyon, kahit siya mismo ay magagalit kapag ganon ang nangyari. Mukha rin itong stress sa trabaho kaya hindi na rin nakakapagtataka kung nasigawan niya ito.

Sabay silang lumabas ng kanyang boss para puntahan at kausapin ang lalaking customer.

"Good evening po, Sir! What seems to be the matter?" her boss calmly asks. She stands awkwardly behind her boss while everyone watches. "Ikaw pala Isaiah."

She stood there awkwardly habang nagbabatian ang dalawang binata. Hindi niya alam ang gagawin niya kaya unti unti na siyang lumayo sa dalawa na mukhang malalim na ang pinag-uusapan.

"I'm not done with you yet." napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang maawtoridad na boses ng lalaki.

"Calm down, man." saad ng boss niya at ngumiti ito sa kanya. "Sige na, Allele. Ako na bahala dito." Lumipat ang tingin niya sa lalaking nagawan niya ng kasalanan.

"Sorry po ulit." she replied softly before walking away.

"Dude, seriously? You should train your employees to do their jobs right." narinig niyang saad ng lalaki. Napairap siya dito dahil ang OA ng lalaking ito sobra. Bumuntong hininga na lang siya at nagpatuloy sa trabaho.

•••

He leaned in his chair and sighed loudly. Sobrang dami ng tumatakbo sa utak niya at hindi niya alam ang gagawin. He cursed slightly when the door of his office opens.

"What is it?" hindi niya pinahalata ang pagkairita niya pero alam niyang naulinigan na ito ng kung sino mang pumasok sa loob ng opisina niya.

"May meeting po kayo by 3pm, Sir." He nodded and stood up. He smiled tiredly at his secretary and followed her out of his office.

At 24, Isaiah Abacus Pantaleon never thought that his life would be this tiring and stressful. Maaga siyang namulat sa mundong hindi angkop sa edad niya. His dad was diagnosed with heart cancer after he graduated in college which left him no choice but to handle the company kahit na ibang iba to sa course na kinuha niya. Para siyang nabuhusan ng malamig ng tubig ng malaman ang kalagayan ng ama.

He wants to pursue his dream as a doctor but because of his father's condition he opted to study business ad. Hindi na rin siya nagreklamo dahil libre naman ang naging pag-aaral niya sa unibersidad na pagmamay-ari ng tunay na asawa ng tatay niya.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon