Kabanata 50

3K 64 3
                                    

Nagising ako sa tumatamang ilaw sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at naramdaman kaagad ang pagkapagod. Napadako naman ang mata ko sa lalaking nakaakap sa akin ngayon. Napangiti ako sa maamo niyang mga mukha.

"You should sleep more." mahinang sambit niya at napangiti naman ako. I gave him a quick peck and he opened his eyes to look at me.

"Good morning, love." bati ko at hinila naman niya ako palapit sa kanya bago ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. I hugged him back and sighed.

"Good morning, baby." bulong niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko at umiling naman siya.

"Hindi naman. Someone called me kaya nagising ako." sagot niya at tumango naman ako.

"Anong oras na?" tanong ko at tumingin siya saglit sa likod niya.

"One in the afternoon." napangiti naman ako.

"You know, kung nalaman ko yan na weekdays baka iiyak nalang ako." sabi ko at tumawa naman siya ng bahagya.

"I can tell Icarus that we made love the night before para hindi ka niya pagalitan." hinapas ko siya at tinawanan lang ako ng mokong.

Natahimik kami saglit bago ko maramdaman na kinuha niya ang kamay ko at itinaas ito. Pinaglaruan niya ang singsing sa daliri ko at pinagmasdan ko naman siyang ginagawa iyon.

"I still can't believe that I am married to the woman that I fell in love with and always will." bulong niya at agad ko naman naramdaman ang hiya. I felt him kissed my forehead and hug me closer to him. "I meant that."

"I know. Hindi lang ako sanay na sinasabi mo nararamdaman mo. You always show it through actions before." sabi ko at tumango naman siya.

"Well, people change. You change me." sabi niya at binigyan ako ng isang mahabang halik. Siya ang unang humiwalay at dahan dahan niyang binangon kaming dalawa.

"Bumangon na tayo baka may gawin tayo ulit kapag nagstay pa tayo dito." biro niya at dali daling umalis sa tabi ko pero nabato ko naman siya ng unan.

"Mahalay." singhal ko at tumawa naman ito.

"I'll cook something. Take a shower." sabi niya at tumango naman ako. Pagkasarado niya ng pinto ay napahiga naman ako at tiningnan ang singsing na nakalagay sa daliri ko.

Hindi ko aakalaing magagawa kong pakasalan si Isaiah ng agaran. It made me realize that as much as he admits that he is crazy for me, I guess that I am more crazy for him. Ang patunay nito ay ang pagpayag ko na ikasal sa kanya ng biglaan. Napangiti ako at napagpasyahan ng bumangon na para ayusin ang sarili ko at makakain na.

Paglabas ko ng kwarto ay medyo nalito pa ako kung nasaan ang kusina. Kung hindi ko pa narinig ang boses ni Isaiah ay hindi ko siya matutunton. Dahan dahan akong pumasok sa kusina at napatingin naman siya sa akin. Lumakad ito at binigyan ako ng halik sa noo.

"Yes... Thank you, V." sabi nito sabay baba ng tawag. Umupo ako sa stool at pinagmasdan siyang kumilos sa kusina.

"Sino yon?" tanong ko habang inaayos ang hinanda niyang mga plato.

"I asked V something. I'll tell you later when we're done eating." sabi niya at tumango naman ako. Tiningnan ko lang siyang kumilos. Maya maya lang ay naglapag na siya sa harap ko ng isang plato ng carbonara.

"I experimented that. I hope it will taste okay." sabi nito at nagkibit balikat lang ako.

"I'm sure it will taste good. Kumain na tayo." yaya ko sa kanya at tumango naman siya bago tumabi sa akin. Pinagsandokan niya ako ng pasta at natawa naman ako.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon