Kabanata 44

2.1K 58 3
                                    

Hindi ko ikakaila na sobra akong binagabag ng sinambit ni Isaiah kanina. Kinakabahan ako na hindi dahil mukhang kahit siya ay hindi niya alam ang mangyayari. Tiningnan ko ang kabuuan ng venue at napangiti sa nakita.

"Is this okay, Maam?" tanong ng isang empleyado sa akin. Inayos ko ng kaunti ang pinakita niya.

"You can put it at the table already. Thank you." sabi ko at sinunod naman nito ang utos ko. Kaunting ayos nalang naman ang ginagawa dahil apat na oras na lang ay magsisimula na ang event na ito.

"Magbihis ka na kaya, ateng." sabi ni Sanchez ng lumapit ito sa akin habang nag-aayos ako.

"Wala na namang changes na sinabi diba?" tanong ko at tumango naman siya.

"Everything is okay now, mami. Do you need help?" nagtaas baba naman ang kilay nito at umiling na lang ako. Hinila na niya ako palabas ng venue at pumunta na kami sa isang room kung saan nandon ang mga gamit ko.

"Ano ba ang isusuot mo?" tanong ni Sanchez pagkapasok namin at agad ko namang pinakita sa kanya ang isang black tube body con dress. "Ang taray. Excited na ako. Magbihis ka na doon."

Nakaisang oras rin kami dahil napakaarte ni Sanchez. Sinabihan ko siya na gawin niya lang simple ang pagmake up niya sa akin kaso nagpumilit siya na hayaan ko na siya dahil hindi daw bagay ang sinasabi ko sa suot ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napagtantong tama naman siya. Naka messy up-do ang buhok ko at nilagyan niya naman ako ng red lipstick habang pinagmamasdan ko ang sarili ko.

"Diba. Ang taray." sabi nito at umiling na lang ako. Inayos ko ang damit ko at ang iba naming kalat bago sinuot ang sapatos ko. Tinulungan naman ako ni Sanchez at napatigil ng may kumatok.

"Tapos na ba kayo?" sabi ni Icarus ng mabuksan na niya ang pintuan. Tumango naman ako at nag-ayos ng unti si Sanchez.

"Tara na mga mare." sabi nito na animoy makikiparty at hindi magtatrabaho. Nauna ito sa amin at napailing na lang ako bago isara ang pintuan.

"You ready?" ngumiti ako at tinanguan si Icarus.

I don't know kung bakit sobrang kabado ako. Kabado naman ako tuwing may mga ganito kami pero sobra ata ito ngayon. Siguro dahil alam kong nandito ang mga kamag-anak ni Isaiah. Wala naman akong ginawa sa kanila pero nandito ang lola niya.

"Just stay beside me." Icarus whispered and I nodded. Ikinawit ko ang braso ko sa nakaabang niyang braso at sabay kaming naglakad. Inasahan ko na may mga press dito dahil big time ang mga Pantaleon.

"Look here."

"Mr. Lopez, look here please."

Ilan yan sa mga narinig kong sigaw ng mga photographers. Napapikit ako saglit dahil sa silaw. Naglakad kami papasok ngunit agad naharang ng isang sikat na representative ng business magazine.

"Good evening, Mr. Lopez. You as well, Ms. Cruz." bati nito. Nginitian ko lang ito at bumaling na siya kay Icarus.

"Good evening, Sadie." bati ni Icarus.

"This is probably one of the biggest event that your company ever handled..." hindi ko na masyadong narinig ang tinanong nito dahil sa sobrang kaba ko. Nagulat na lang ako ng sikuhin ako ng mahina ni Icarus.

"Sorry." sabi ko sabay ngiti kay Sadie.

"Its okay, Miss. I hope you two have a great night and congratulations in advance." sabi nito at tumango naman ako. Naglakad kami papasok ni Icarus at agad naman siyang binati ng mga kakilala.

A lot of them asked if we were together. Yung iba out of curiosity. Meron namang nang-iintriga lang. Sa loob ng limang taon, nasanay na ako sa mga ganito ng mga tao sa industriyang ito.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon