Tahimik naman kaming dalawa sa buong byahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hanggang ngayon ay hindi siya umiimik. Ayoko namang manguna kaya hinayaan ko nalang na wala kaming imikan buong byahe.
Unti unti namang bumagal ang takbo ng sasakyan niya. Tiningnan ko ang paligid at walang ibang nakita kundi puno.
"Nasaan tayo?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at ipinark ng maayos ang sasakyan niya. Tiningnan niya ako at tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sasabihin mo ba o hindi?"
"I won't." sagot niya sabay baba sa sasakyan niya. Agad ko naman siyang sinundan. Napatingin ako sa baba at nakitang may pathway ito. Itinagilid ko ang ulo ko sa pagtataka bago ko siya sinundan.
"Why'd you brought me here? Bumalik nalang tayo, Isaiah." sabi ko at umiling naman siya habang nagpapatuloy sa paglalakad.
"No, hindi tayo babalik don. I will fix everything on Monday." sabi niya at nagpatuloy parin sa paglalakad. Bumuntong hininga ako at sinundan na lang siya. Ilang saglit pa ang ginawa naming paglalakad ng bumungad sa akin ang isang malaking rest house.
"Wow." manghang sambit ko at napangiti naman siya.
"Let's go." yaya niya at hinawakan ang kamay ko papasok sa malaking bahay na nasa harapan namin. Kung ano ang ikinaganda ng labas nito ay ang siyang mas lalong ikinaganda ng loob.
"I bought this 5 years ago." sabi niya at tumango naman ako. Ang buong bahay ay sobrang liwanag dahil sa napakalaki at eleganteng chandelier. Wala itong pangalawang palapag. Malaki ang bahay pero hindi nito ipinapadama ito. It feels homey.
"Para saan? I mean, I'm sure you have a lot of property already." tanong ko habang ginagala ang mga mata ko sa bawat muwebles na nandito sa bahay.
"I just like to add one more. This doesn't belong only to me." makahulugang sabi niya at tumango naman ako.
"Then, why'd you bring me here?" tanong ko ulit.
"We will talk." sabi niya at tumango ako ng dahan dahan. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero wala naman akong magagawa dahil hindi ko alam kung nasaan kami.
"Are you sure na okay lang na nandito tayo? You should go back there, Isaiah." sabi ko habang sinusundan siya papunta sa kung saan. Tinuro niya ang sofa ng makarating kami sa sala.
"I told you I'll fix everything on Monday." sabi niya at bumuntong hininga nalang ako. Inabutan niya ako ng baso na may lamang wine at umupo sa tabi ko.
"Seryosong mag-uusap tayo?" hindi makapaniwalang sambit ko at tiningnan niya ako. "Anong pag-uusapan natin?"
"Do I still have a chance?" nagulat ako sa tanong niya at base sa ekspresyong pinapakita niya ay hindi siya nagbibiro. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. "Tell me Allele so I will know kung anong gagawin ko. But even if you say no, I have my ways for you to say yes."
"Ang yabang mo." sambit ko at natawa naman siya. Sumipsip ako sa wine na ibinigay niya. Natahimik ako sa tanong niya at tinanong ang sarili ko.
What is it that I really want? After what I've done this past 5 years, ano ba talaga ang gusto ko?
Funny how I'm asking myself this question. Ang tanong na hindi ko matanong sa sarili ko noon dahil kailangang may dapat unahin. Kailangang dapat tingnan ko muna kung sinong maapektuhan sa mga desisyon ko bago ako magdesisyon.
Isa lang naman ang gusto ko ay ang magkaroon ng kalayaan para sumaya. I know it's too much to ask pero yun yung matagal ko ng gustong maranasan kahit saglitan lang. I want to be free so I can be happy.
Tiningnan ko si Isaiah at tinanong ko ulit ang sarili ko. Do we still have a chance? Magiging masaya ba ako ulit kung pipiliin ko siya?
Maraming nagbago sa loob ng limang taon but one thing's for sure Isaiah still have a special place in my heart. 5 years man yan o tumagal pa.
"I just want to be free so I can be happy, Isaiah." sagot ko sa tanong niya. Tumango naman siya kaya nagpatuloy ako. "Maraming nagbago sa atin sa loob ng limang taon. Yes, I know you but do I really? Ayoko lang magdesisyon ng basta basta."
Ibinababa ko ang baso at hinarap siya. I cupped his face and made him look at me. Natawa ako ng bahagya. Who am I to reject the only guy that makes my heart beats crazy ng wala pang ginagawa na kung ano. Nahihibang narin siguro ako katulad niya.
"But it doesn't mean that I don't want to." I whispered and he smiled before connecting our lips together. Tinigil niya ilang saglit ang paghahalikan namin.
"I love you so much, Allele." sambit niya at nahiya naman ako ng kaunti na ikinatuwa niya.
"I love you too." bulong ko. Niyakap naman niya ako at isinandal ang ulo niya sa
"You are making me crazy and you should be afraid." hinampas ko naman ang likod niya at natawa naman ito.
"Ano na namang iniisip mo?" sabi ko at niyakap siya ng maigi. He look up and kissed my cheeks.
"Madami akong iniisip and you won't like any of it." tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Kahalayan ng utak mo." napailing ako at bumitaw naman siya.
"Oh, baby. That's just the part of it." sabi niya at simipsip sa wine glass niya.
"Tell me." hamon ko at nginisihan niya ako. Tumayo siya at naguluhan naman ako sa ginawa niya.
"Bakit ka tumayo?" kinakabahang tanong ko. Ano na naman ang nasa isip ng isang to? Hindi pa ako nakakabawi sa announcement niya kanina.
"I'd rather show you. Wait here. I'm going to call someone." sabi niya at lumabas para tawagan ang kung sino man.
Ilang minuto lang ay bumalik na siya at nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko ito at hinila niya ako patayo.
"We're going somewhere." sabi niya at nakita ko ang mapaglaro niyang ngisi. Nagtaka naman ako pero hindi nalang umimik.
Umalis kami sa bahay na pinuntahan namin at ngayon ay tahimik na nagdadrive papunta sa kung saan man. Sabi niya sa akin kanina nung nagtaning ako ay malapit lang daw ang pupuntahan namin.
Nagring naman ang cellphone niya habang nagdadrive siya at sinagot naman niya ito.
"Yes, we are near... I am serious about this... Thank you." sabi niya sabay baba ng tawag.
"Malapit na ba tayo?" tanong ko at nilingon naman niya ako.
"Be patient, love." sagot niya.
Medyo natahimik naman kaming dalawa at tanging ang ingay lang ng mga sasakyan ang naririnig namin.
"Anong mangyayari kung icacall off niyo ang engagement niyo ni Corrine?" tanong ko at sinamaan naman niya ako ng tingin. "Tinatanong ko lang."
"Her family invested in our company. They will probably going to pull out pero katiting lang ang makukuha nila because my lola is the only one who signed the contract. I do not acknowledged that engagement. Sinakyan ko lang." sabi niya at tumango naman ako.
"How about your lola?" tanong ko at hinawakan naman niya ang kamay ko.
"I told you that I'm going to settle everything on Monday. Let's just be crazy tonight." sabi niya. "Oh, I don't accept no for an answer." dugtong niya na mas lalong ikinataka ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ko at sakto namang unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan niya at lumiko kami sa isang parking lot. Tiningnan ko ang paligid at napagtanto kung nasaan kami.
"Isaiah." tawag ko at bumaba naman ang mokong bago ako pagbuksan ng pinto.
"Bakit tayo nandito sa courthouse?"
•••
3 chapters to go...
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...