"See you later."
Nagpantig naman ang tenga ko sa narinig. Naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko dahil sa sinabi niya. Sinundan ko siya ng tingin habang papasok siya sa sasakyan niya. Bago siya pumasok ay tiningnan niya muli ako at tumango sa amin.
Halos hindi ko naman makalma ang puso ko sa sobrang kaba. I know that labag sa kalooban niya ang imbitahin ako sa party niya mamaya. He was just being polite. Kilala ko si Isaiah, siya yung tipo ng tao na hindi ka kokomprontahin kaagad sa kasalanang ginawa mo.
Hinintay kong makalayo muna sila bago ako pumasok sa loob at umakyat na sa taas. Habang papasok ako sa opisina ay tiningnan ko naman kung kanino galing ang bulaklak. Hinanap ko ang card nito at natagpuan naman ito.
Have a nice day :-)
V
Napairap naman ako at nilapag ang bulaklak sa desk ko. Vector Pantaleon, cousin of Isaiah Pantaleom, became my constant suitor. Nasa lahi na siguro nila na hindi nagpapatinag sa kahit anong rejection mo.
But I have my principles, I dated his cousin and there's no way I'm dating him. It would cause so much trouble. Ayoko ng mangyari ulit yung nangyari noon. Maybe merong parte sa akin noon na nagsisi kung bakit hindi ko ipinaglaban pero sa huli nananaig parin ang takot. Takot ko na baka pati mga taong nasa paligid naming dalawa ay madamay. Sometimes, you need to sacrifice your own happiness for the sake of someone else's.
Napairap ako ng tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan niya. Kinuha ko ito at sinagot.
"Miss me?"
"I would appreciate it if you'll stop delivering flower, V." sagot ko at narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya.
"It's just a thank you flowers, Allele. Nagpaalam ako sa bebe ko bago kita bigyan. She knows na tinulungan mo kong marealize yung worth niya. Sabi niya she should've picked the flowers and even planned to give you an Hermes pouch."
"Hindi naman kailangan." sagot ko sa sinabi niya.
"I fucking told her that. Buti napigilan kong bumili ng iba pang regalo sayo. Anyways, I'm inviting you on Friday."
"Bakit mo naman ako iniimbitahan?" tanong ko habang inaayos ang pagkakalagay ng vase sa desk ko.
"I'm proposing." rinig ko sa boses niya ang kaba at saya. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Masaya akong nakakita ka na ng katapat mo." komento ko at binuksan ang computer ko para masimulan na ang trabaho ko
"I'm glad that I met you and befriend you. So are you going to be there?"
"Pwede ko bang dalhin si Icarus?" tanong ko at hinintay ang sagot niya.
"Kayo ba ni Icarus?" natawa naman ako sa sinambit niya. Nanahimik lang siya sa kabilang linya.
"Trust me when I say this, V. Magkaibigan lang kami atsaka ayokong makisawsaw sa kanilang dalawa ng ex niya no." sagot ko at kahit hindi ko siya nakikita alam kong tumatango siya.
"Good to hear. Nagkita na ba kayo ulit?" agad naman akong kinabahan sa tanong niya at nagsibalikan ang mga senaryo na nangyari kanina.
"He's our newest investor. Nakita ko siya kanina."
"It's about damn time. Now, get your man." napangiti naman ako ng malungkot.
"I don't know, V. Hindi ko alam kung ready na ba ako ulit na dumaan sa sitwasyon ko noon." honest kong sambit.
"Well, let fate do its magic. I should hung up now. I'll be seeing you on Friday, okay?"
"Hmm, bye." binabaan niya ako ng tawag at bumuntong hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/221178746-288-k144137.jpg)
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...