"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko matapos niyang buksan ang pintuan ng sasakyan niya.
"Just get in." sabi niya. Tiningnan ko siya ulit bago pumasok sa loob ng sasakyan niya. Agad naman niyang sinara ang pintuan atsaka pumasok. Pinaandar niya ito at umalis na sa coffee shop.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.
"Can I have your manager's number?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Diba dapat meron ka non?"
"I'm not talking about Dominic. Yung boss mo sa gas station." sabi niya. Nagtataka naman akong binigay sa kanya ang telephone number nito. Agad naman siyang nagtipa sa cellphone niya habang nagdadrive.
"Kung magdrive ka nalang kaya. Madisgrasya pa tayo." sabi ko at tiningnan niya lang ako. Kung gusto niyang magpakamatay wag niya akong idamay marami pa akong kailangang gawin.
"Hello....Yes....Isaiah Abacus Pantaleon.... I will let you talk to my secretary." he said and ended the phone call.
"You have a one week leave." sabi niya at tiningnan ko naman siya. "Pinagpaalam na kita sa manager mo. Might as well call your family."
"Bakit?" tanong ko. Naiinis ako dahil akala mo kung sino siya para mag-decide para sa akin pero hindi ko alam kung bakit wala naman akong magawa.
"You will accompany me sa business trip ko for one week." simpleng sagot niya.
"Pumayag na ba ako? Ibaba mo nalang ako. Ayokong sumama." sabi ko at bumuntong hininga naman siya.
"Just... come with me. Consider this as a break from everything just like that night." sabi niya. Agad akong pinamulahan sa sinabi niya. Bakit ba kailangan niyang ipaalala yun.
"Saan ba tayo pupunta?"
"I'm attending this business trip sa Bataan. I need to deal with 5 possible investor." sagot niya. Pumikit naman ako at ibinaling ang atensyon ko sa bintana.
"Sasama ka na ba?" tanong niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Tumango lang ako at agad na dinial si Mama.
"Hello, Ma." sabi ko pagkasagot niya.
"Napatawag ka? Bakit?"
"May pupuntahan po ako. Biglaan lang. Kailangan sa trabaho. Isang linggo po akong hindi makakauwi. Magpapadala po ako ng panggastos bukas." paalam ko.
"Saan ka na naman pupunta? Siguraduhin mong magpapadala ka. Kukuha ka ba ng damit dito?" nakarinig na naman ako ng ingay sa background.
"Hindi na po siguro." sagot ko. Nalulungkot na hindi parin nagbabago si Mama.
"Bahala ka. Sige na." sabay baba niya ng tawag. Napailing nalang ako at tumingin ulit sa labas.
"Should I turn on the radio?" tanong niya at pumikit lang ako. Siguro pagkakataon ko na rin to para makapagpahinga lang ng unti. Kahit isang linggo lang.
Nakakapagod na rin kasi.
Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko kaya napamulat ako. Tiningnan ko ang paligid at nakitang nakapark ang sasakyan niya.
"Kain tayo." sabi niya at agad naman akong napatingin sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa at nahiya ako bigla.
"Mag-ccr lang ako saglit." sabi ko at tumango naman siya. Sabay kaming lumabas at agad naman akong tumakbo papuntang cr.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...