Kabanata 1

6.6K 94 2
                                    

[Third Person's POV]

Tirik na tirik ang araw at pawis na pawis na siya ngunit alam ni Allele na kailangan niyang tiisin ang lahat para kumita ng pera. Para may makain sila. Para may pang matrikula ang kapatid niya. Para mabuhay sila.

In this world right now, money became the primary source for you to live. Kapag wala ka non pupulutin ka sa kangkungan.

"Good afternoon, guests! I hope you enjoyed your lunch. I am Allele Cruz, your tour guide and I will be taking over my partner, Icarus Lopez, and I will be guiding  you for the rest of this trip. Right now, we are here in front of the oldest church in Manila which is the San Agustin Church also known as Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Consolacion y Correa. It is built on 1607, where the Spaniards colonized the country. It is the oldest church in the country and have survived many calamities from storms to earthquakes. In 1993, UNESCO recognizes this church as one of the Baroque Churches in the Philippines." ani niya at agad namang tumango ang mga turista.

"You are free to roam around the area before we go to our next destination."

"Kayod na kayod ah. Kamusta naman sina Tita?" inabot ni Icarus sa kanya ang isang bote ng tubig matapos magsialisan ang mga turista para maglibot sa naturang simbahan.

"Ayos naman kaso need kumayod ng todo kasi magbabayad na ng tuition ni Paisley."

"Magkano ba ang kulang mo? Dapat sinabi mo na lang sa akin ng hindi ka pa kumayod ng todo ngayong araw." tanong nito pero napailing na lang siya.

"Hindi na. Atsaka minsanan lang to. Alam mo namang pangarap kong maging flight attendant dati eh kaso yun lang naudlot. Atleast kahit papano ay nararanasan kong humarap sa mga turista at magbigay ng serbisyo. Wala nga lang sa eroplano." natawa naman ang binata sa sinabi nito.

"Saan ka nito mamaya?"

"Pagtapos nito pupunta ako ng cafe shop para mag-night shift. Thank you ulit, Icarus ah. Kung di dahil sayo hindi madadagdagan yung tuition fee ni Paisley." sabay inom niya sa tubig.

"Ano ka ba, Allele? Kaibigan mo ko. Nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong." napangiti naman siya sa sinabi ng binata.

Caden Icarus Lopez is the only friend she had. Nakilala niya ito nung high school pa lamang siya. Binubully ito noon dahil sa pagiging chubby nito. Nakita niya ito isang beses na umiiyak sa may hagdanan ng school nila habang pinagtatawanan ng mga bata. Siya bilang babaeng palaban ay ipinagtanggol ito.

Kita mo nga naman ang tadhana. Tila bumaliktad ang sitwasyon nila ngayon. Ito na ang nagtatanggol at tumutulong sa kanya at ang dating chubby na Icarus noon ay matipuno at pinagkakaguluhan na ngayon ng maraming kababaihan.

Tiningnan niya ang oras at napabuntong hininga. Oras na naman pala ng trabaho niya.

"Sige, Icarus. Salamat ulit. Sa susunod babawi ako sayo, promise." sambit niya habang inaayos ang bag na dala niya na may lamang uniporme ng cafe shop na malapit dito sa Intramuros at uniporme ng gasoline station malapit sa bahay nila.

"Ingat ka. Magtext ka kung kailangan mo ng tulong ko." Allele nodded at tinawag na niya ang mga turista.

Matapos ang pagtotour niya ay tumunog ang di keypad niyang cellphone. Agad niya itong sinagot habang nag-aayos para sa night shift niya sa cafe shop. May 30 minutes pa naman siya bago ang shift niya kaya sinagot na niya ang tawag.

"Ate, sabi po ni Mama yung pang-enroll ko daw po." bungad sa kanya ng kapatid niya.

"Pay, gawa na lang muna tayo ng letter. Medyo kulang pa kasi yung sahod ni Ate eh. Sa akinse pa mabubuo. Pakisabi kay Mama na kung gusto niya gumawa na lang muna siya ng paraan para mabuo ang tuition fee tapos babayaran nalang ni Ate." paliwanag niya sa kapatid.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon