Naging mabilis ang mga pangyayari pagkatapos ng maikling bakasyon naming dalawa ni Isaiah. Masyado akong naging abala dahil maliban sa anniversary party ng kompanya niya ay malapit rin ang petsa ng graduation ni Paisley dito. Lahat ng ito ay mangyayari bukas.
Sa katunayan ay sa araw mismo ng party ay graduation nito. Kaya halos hindi ako makapag focus dahil kailangan kong ayusin ang lahat ngayong araw. Masiguro na lahat ay maayos bago ako makapante na pumunta sa school ni Paisley sa umaga.
"I told you, ate. It is fine." sabi ng kapatid ko habang naghahanda ako ng almusal namin. Nandon rin sa kusina si Icarus at abala sa katawagan nito.
"Hindi pwedeng wala ako don no. Wala na nga si Mama tapos hahayaan pa kita atsaka graduation yun no." sabi ko at bumuntong hininga ito.
"Maabala lang kayo ni Kuya Icarus eh. You're supposed to be preparing for the party ng isang clients niyo sa umaga and you are wasting both of your time for accompanying me." rason nito at sinamaan ko siya tingin habang binibigay ang plato niya.
"Kaya nga tinatapos namin ngayon ang dapat tapusin. Medyo gagabihin kami mamaya kaya sumakay ka nalang ng taxi o ano." sabi ko at nagsimula na siyang kumain.
"Besides, I still will be there. Kaklase mo ang pinsan ko at may kaunti kaming salo-salo kaya nandon din ako." sagot ni Icarus sa kanya at dumalo na para mag-almusal.
"Fine." sagot nito at napangiti ako.
Sa sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw ay madalang ang naging pag-uusap namin ni Isaiah. We still talk and see each other dahil kailangan siyang personal na tumingin ng nangyayari sa event ng kompanya nila. Pero other than work ay hindi kami masyadong nakakapag-usap. Okay naman ako doon at mukhang okay naman siya doon.
He is also busy with his relatives being here in New York. So I understand kasi alam kong may mga dapat unahin kaysa sa relasyon naming dalawa.
"Ate." tawag ng kapatid ko at nilingon ko siya. Nasa sasakyan kami ngayon ni Icarus at ibababa namin siya bago kami tumulak sa venue. "Kuya Isaiah's relatives will be there right?" tumango naman ako at hinintay ang kasunod niyang sasabihin.
"Will you be okay?" tanong niya at nakita ko ang panandaliang pagsulyap sa akin ni Isaiah.
"Yeah, bakit naman hindi." sabi ko at tumango siya.
"I maybe young back then but I know they are the reason why we are here at wala sa Pilipinas." sabi niya at hindi ako sumagot doon inaakalang may kasunod pa ang sasabihin niya kaso hindi ito natuloy.
Hanggang sa ibinaba na namin siya ay nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan ni Icarus.
"Your sister right, though. Will you be fine?" basag ni Icarus sa katahimikan.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" sabi ko at tumango siya. "I will just try to avoid them as much as I can." tumango siya at hindi na ulit inopen pang muli ang topic tungkol sa kamag-anak ni Isaiah.
It was lunch that time ng medyo nagkaroon ng komosyon sa entrance. I heard some of the employees talking pero dahil abala ako sa ginagawa ko ay hindi ko na ito pinansin. Nag-focus ako sa pagsagot ng mga emails na nakatambak sa inbox ko. Some of the confidential ones ay finoforward ko kaagad kay Icarus dahil ito naman ang gawain ko.
"You should be eating." nagulat ako ng may bumulong sa akin kaya agad ko itong nilingon. He smiled at me and I smiled back.
"What brings you here, Mr. Pantaleon?" tanong ko sa pormal na paraan dahil nandito ang mga empleyado namin at hindi ko siya pwedeng tawagin sa pangalan niya. He is still our client and should be addressed as one.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...