"Bakit tayo papunta sa condo mo?" tanong ko kay Icarus ilang minuto ng umalis kami galing sa coffee shop.
"Dun ka mag-ayos. My sister left her makeup and girly stuff there." sabi niya at tumango naman ako. Natawa naman ako sa paraan ng pagsabi niya sa mga gamit ng kapatid niya.
"Kamusta nga pala ang kapatid mo?" tanong ko matapos ang panandaliang katahimikan.
"She's fine. Kasama siya ni Dad sa States." he replied and I nodded.
"Kaninong birthday ba kasi pupuntahan natin?" tanong ko at napatingin siya sakin saglit.
"Maniniwala ka bang nililigawan ko yung may birthday?" tinaasan ko siya ng kilay at napailing naman siya. "Diba hindi."
"Wala pa naman akong sinasabi." hindi ako makapaniwala na may nililigawan ma si Icarus. "Seryoso, nililigawan mo?"
Narinig ko ang buntong hininga niya bago ako bahagyang tiningnan. Tinaasan ko siya muli ng kilay.
"Hindi niya alam na nililigawan ko siya." agad ko siyang binatukan sa sinabi niya.
"Makasabi ng nililigawan hindi naman pala." sabi ko at natawa naman siya.
"Pero gusto ko yung babae, Allele." seryoso niyang banggit sakin. Halos kilabutan naman ako sa paraan ng pagkakasabi niya.
"Kailan ka pa nagseryoso?" sinimangutan naman niya ako. "Saan mo ba siya nakilala?"
Tanging natanong ko na lang. Alam ko naman kung seryoso na sa isang bagay si Icarus o hindi. Sadyang nakakagulat lang na magseseryoso sa siya sa babae ngayon. Samantalang, halos pandirihan na niya lahat ng babaeng lumalapit sa kanya sa bar.
"Dati. Cheerleader ng school natin." tumango naman ako sa sinabi niya.
"Invited ka ba talaga?" pahabol ko at pinitik naman niya ang noo ko kaya napadaing ako.
"Nandon yung mga tropa ko." napasimangot ako sa narinig. "Wag kang mag-alala kargo kita ngayong gabi."
Hindi naman sa masasama yung mga tropa niya. Ayaw ko lang talaga makahalubilo sa kanila. Iba ang klase ng mundo na ginagalawan nila sa mundong ginagalawan ko. Gustuhin ko mang ipilit na makibagay sadyang hindi lang talaga pwede.
"Sure?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Sure."
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay agad kaming umalis. Wala ang mama niya sa bahay nila kaya agad akong nanghinayang. Gusto kong magpasalamat sa mama niya dahil sa dress at heels na suot ko ngayon.
"Mukha na tayong tao ah." hinampas ko ang braso niya kahit na nagdadrive pa siya. Napadaing siya sa hampas ko habang tumatawa.
"Hindi ba masyadong maikli?" tanong ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Isa pang lait, Icarus. Sasapakin na kita." tinawanan niya lang ako.
"Maganda naman. Okay lang yan." bumuntong hininga ako at tumingin nalang sa dinadaanan namin.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Yung tipong parang first day of school na kaba.
"It's going to be okay, Allele. Kasama mo naman ako." ani Icarus. Nginitian ko siya at nginitian niya ako pabalik.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bar na pag-gaganapan ng birthday ng nililigawan raw ni Icarus. Una akong lumabas matapos ipark ni Icarus ang sasakyan niya. Bumuntong hininga ako sa dami ng taong pumapasok.
I'm not a big fan of big crowd but I can blend in as if I love it. Hindi naman ako tatanggapin sa pagiging tour guide kung hindi ko kayang ihandle ang sarili ko sa harap ng maraming tao.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...