Medyo nahuli akong lumabas ng elevator sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinambit niyang iyon sa akin. Kung dati ay napakatahimik na tao ni Isaiah, parang ibang tao naman yung nakasama ko sa elevator kanina.
"Para kang nakakita ng multo." puna ni Icarus ng lumapit na ako sa kanila. Nginitian ko lang siya bilang sagot at inilahad naman niya ang braso niya para alalayan ako. "Okay ka lang?"
"Oo nga. May naalala lang." sagot ko. Nakita ko namang binuksan ni Sir Dominic ang pintuan ng limo na nirentahan alam ko ni V para sa mga bisita niya.
Pinauna nila kami ni Kehlani at inalalayan papasok. Umupo si Kehlani sa harap ko at tinabihan naman siya ni Sir Dominic na malapit sa pintuan. Inaayos ko ang suot ko at nakaramdam naman ako ng tumabi sa akin kaya tiningnan ko kung sino ito. Nagulat ako ng makitang katabi ko si Isaiah at napadako ang tingin ko kay Icarus na kakasakay lang at tumabi kay Sir Dominic.
"Bro, abot mo nga champagne." utos ni Icarus kay Isaiah. Napansin ko ang champagne na malapit sa akin at agad ko itong inabot kay Isaiah. Inabot naman niya ito at medyo nagtama ang mga kamay namin. Agad kong binawi ang kamay ko at buti nalang nahawakan na niya ng maigi yung bote kung hindi mahuhulog ito.
"Thanks." pasasalamat ni Icarus na may ngisi sa labi. Sinamaan ko siya ng tingin at napadako naman ang tingin niya sa akin. Lumawak ang ngisi nito at umiling ako. Napakaepal.
Buong byahe ay nag-uusap lang kami ni Kehlani at iba naman ang pinag-uusapan ng mga kalalakihan. Hindi naman awkward sa loob ng sasakyan marahil siguro ay nakikisali minsan sa usapan sina Isaiah at hindi dumadako ang usapan sa ikakaawkward ng grupo.
Ilang saglit lang ay nakarating narin kami sa venue. Naunang bumaba ang mga lalaki at nahuli naman ako sa aming dalawa ni Kehlani. Inilahad ni Isaiah ang kamay niya at tinanggap ko nalang ito.
"Thank you." saad ko habang inaayos ang suot ko. Nakita ko namang papasok na sina Icarus sa loob ng venue. Inilahad ni Isaiah ang braso niya at nakangiti ko naman itong tinanggap.
Kahit may kaunting kaba ay tinanggap ko nalang ito. Natatakot ako baka may ibang taong makakita sa kanya at maissue pa kaming dalawa. Alam kong maraming nakakaalam na engage na siya.
"If you're worrying that someone will make a fuss about this, don't. Alam nila kung anong mangyayari sa kanila kapag may isang salita na lumabas sa bibig nila." sambit niya sabay taas noong lumakad papasok sa venue.
Lahat ng tao ay napatingin sa gawi namin ng pumasok siya. Isaiah always have that effect on people. Siya yung tipong mapapatingin ka talaga kapag dadaan siya. It's not because he is a Pantaleon or he is handsome. Sadyang may aura lang talaga siya na mapapatingin ka at maiintimidate ka.
"Insan, always stealing the show." saad ni V nang makalapit kami sa kanya. Nagbatian ang dalawa at binati naman ni V sina Icarus at Sir Dominic.
"Allele." masayang bati nito sa akin at agad akong ikinulong sa mga bisig niya. Natawa ako ng bahagya at niyakap siya.
"Miss na miss mo ako ah." pang-aasar ko bago siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Kumunot naman ang noo ko ng tumawa bigla si V.
"Chill." sambit nito at lumingon sa akin. "Tagal nating hindi nagkita eh. Atsaka, I remember what you told me and look where it got me." umiling naman ako at iginiya niya kami sa upuan namin.
"Everyone was wondering who you might be." narinig kong bulong ni Kehlani sa akin at napatingin naman ako sa mga bisita ni V. Nakita ko silang nakatingin dito at agad akong nahiya.
"Baka iba naman ang tinitingnan." sambit ko at nginitian niya naman ako.
"I doubt." sabi nito at sinulyapan ang nag-uusap na si Isaiah at V. Pagkadating namin sa sariling upuan ay agad na naghila ng upuan si Sir Dominic para sa asawa. Akmang hihilahin ko na ang upuan ng unahan ako ni Isaiah.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...